Monday, June 9, 2014

Ani sa palaisdaan sa Bulacan ibinebenta sa ibayong dagat




 
HAGONOY, Bulacan—Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na makaka-ani ng sapat ang mga namamalaisdaan sa Bulacan upang ibenta sa ibayong dagat sa kabila ng mga biglaang pagbabago ng temp

Kaugnay nito, nakahanda na ang itatayong ice making machine sa bayang ito na kaloob ng BFAR upang matugunan ang pangangailangan sa yelo.

Samantala, umaasa ang mga namamalaisdaan na higit na tataas ang kanilang produksyon ngayong patapos na ang tag-araw na tinampukan ng mga biglaang pagbabago ng temperatura na nagsilbing malaking banta sa kanilang alagang isda, alimango, hipon at sugpo.

Ayon kay Dr. Remedios Ongtangco, direktor ng BFAR sa Gitnang Luzon, mahigit ng 10 taong ang nakalilipas ng mapasok ng mga Bulakenyong namamalaisdaan ang mga merkado saibayong dagat.

Kabilang dito ang merkado sa Estados Unidos, Japan at Europa kung saan ay kanilang naibebenta angmga iladong tilapia, mga hipon at sugpo.

“Mahuhusay dahil makaranasan ang mga namamalaisdaang Bulakenyo, kaya alam nila kung paanopatatakbuhin ang palaisdaan kahit na adverse ang weather condition natin,” ani Ongtangco patungkol sa maghapong pag-init ng panahon na nasusundan ng biglaang pag-ulan.

Dahil dito, ipinahayag niya na makaaani ng sapat ng mga namamalaisdaan upang masustinihan ang dami ng produktong dapat ibenta sa ibayong dagat.

Inayunan din ito ni Felix Terrado,ang direktor ng Brackishwater research station ng BFAR sa bayang ito.

Ayon kay Terrado, maraming namamalisdaan sa Gitnang Luzon ang pansamantalang tumigil sa operasyon ngayong tag-araw dahil pangambang malusaw ang kanilang alaga.

Ngunit iginiitniya na marami din samga namamalaisdaan ang naghahanda na para sa pagpapatuloy ng kanilang operasyon simula ngayong Hunyo.

“Mahahabol natin ang production sa second half of the year, maaabot pa rin ang export targets,” ani Terrado sa isang panayam sa telepono noong Hunyo 5.


Batay sa tala ng BFAR, ang mga Bulakenyong namamalaisdaan ay nagbebenta ng 500 hanggang 600 metriko tonelada ng sugpo sa Japan; 150 hanggang 200 metriko tonelada sa Estados Unidos at 10 hanggang 15 metriko tonelada sa Europa.

Kung tilapia naman ang pag-uusapan,umaabot sa 200 hanggang 300 metriko tonelada ang naibebenta bawat taon sa Estados Unidos.

Gayunpaman, sinabi ni Ongtangco, na ang nasabing tala at mas mababa sa aktuwal na benta sa ibayong dagat ng mga anis a palaisdaan sa Bulacan.

Ito ay dahil saang mga nasabing tala at batay sa mga tala ng mga plantang nakabase sa Bulacan na silang nagpoproseso ng mga tilapia at sugpo.

Hindi kasama sa nasahign tala ang produktong pinoproseso sa mga planta sa labas ng Bulacan.

Dahil sainaasahang patuloy na pagtaas ng produktong ibinebenta sa ibayong dagat, nagkaloob ang BFAR ng dalawang ice making machine sa Bulacan.

Isa rito ay itatayo sa bayang ito; at ang ikalawa ay itatayo sa bayan ng Bocaue.

Ayon kay Ongtangco,ang bawat isa sa nasahign makina ay may kakayang lumikha ng yelong umaabot sa loimang tonelada bawat araw.  Ang bawat makina ay nagkakahalaga ng P1.8-M.

Samantala, ikinagalak ng mga namamalaisdaan sa Bulacan ang nalalapit na pagsapit ng tag-ulan.

Ito ay dahil na pinangambahan nila ang biglaang pagbabago ng temeperatura sa mga nagdaang buwan.

Ayon kay Celso Inocencio ng bayang ito, mas mahirap  harapin ang problemang hatid ng mainit na panahon.

Ito ay dahil sa hindi nila ito makontrol.

Hinggilnaman sa posibilidad ng pagbaha,marami sa mga namamalaisdaan sa bayang itoang nagtayo ng lambat sa pilapil upang bumaha man ay hindi matapon ang kanilang alagang isda, sugpo at alimango.   (Dino Balabo)

SPMPC patuloy ang paglago; ari-arian abot na P100-M, mga kasapi halos 2,000 na



 
MALOLOS—Patuloy ang paglago ng San Pablo Multi-purpose Cooperative (SPMPC) na nakabase sa lungsod na ito matapos ang 21 taon ng operasyon.

Kaugnay nito, inaasahang lolobo sa 3,300 ang kasapi ng SPMPC sa susunod na taon, samantalang ang walaitong utang sa anumang bangko.

Umabot na rin sa mahigit P100-Milyon ang ari-arian ng SPMPC bukod pa sa patuloy ang paglago ng mga negosyong pag-aari nitotulad Gerry Grill Restaurant at proyektong pabahay.

Ayon kay Ed Camua, tagapangulong SPMPC, inaasahang madodobleang kasapi ng kooperaba sa susunod na taon.


Ito ay dahil sa patuloy na pagbubukas ng sangay ng SPMPC saibat-ibang bayan sa apat na distrito ng lalawigan.

“Posibleng umabot sa 3,300 ang kasaping depositors ng SPMPC sa 2015 dahil patuloy ang maayos na operasyon nito,bukod sawalang utang sa bangko,”ani Camua.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 1,600 ang kasapi ng SPMPCbukod pa sa mga savings at time depositors.

Kasabay ng paglago ng Kooperatiba, ang pagkakaroon ng iba’t-ibang negosyo tulad ng Gerry’s Grill sa Robinsons Place sa na ito, mga pabahay para sa mga kasapi sa murang halaga upang magkaroon sila ng sariling bahay, at mga serbisyo na nakapagbibigay ginhawa sa mga kasapi tulad ng Bayad Center, Western Union, Airline Ticketing, Loan and Credit sa mababang patubo.

Sa huling Financial Statement, ang SPMPC ay mayroon ng P100-M halaga ng mga ari-arian at nananatiling walang anumang pagkakautang sa alin mang commercial banks at sa iba pang malalaking kooperatiba.

Ayon naman kay Malu Bartolome, manager ng SPMPC, ang kooperatiba ay kabilang sa Ginintuang Huwarang Kooperatiba sa Lalawigan ng Bulacan at sa Cooperative Hall of Fame League na pinili ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, isang samahan ng mga milyonaryo at matatagumpay ng Kooperatiba sa lalawigan.

 Kasapi rin ang SPMPC ng Malolos Cooperative Development Council (MCDC) at sa  Central Luzon Region League (CLRL) sa Gitnang Luzon.

Ang SPMPC ay nagsimula noong 1992 sa pamamagitan ng 20 magsasaka sa barangay San Pablo na nagkaisang magtayo ng kooperatiba.
Mula noonhanggang sa kasalukuyan nagpatuloy ang paglago ng kasapian nito, maging mga ari-arian.  (Dino Balabo)