Newly op[ened Balagtas toll plaza along the NLEX northbound lane. |
Monday, March 19, 2012
Saturday, March 17, 2012
Turismo sa Kapitangan pauunlarin, rehab sisimulan
John Safran, Australyanong komedyante, 2007 |
Roman Gregorio at ang bagong palikuran. |
PAOMBONG,
Bulacan—Upang higit na mapaunlad ang turismo sa Barangay Kapitangan sa bayang
ito, madalian ang isinasagawang rehabilitasyon ng pasilidad.
Kaugnay nito, limang
deboto kabilang isang babae ang nakatakdang lumahok sa taunang pagpapapako sa
krus sa darating na Biyernes Santo, Abril 6.
Ayon kay Jo Clemente, pangulo ng Bulacan Tourism Convention
and Visitors Board (BTCVB) ang rehabilitasyon sa entablado ng Kapilya ng Sto.
Cristo sa Barangay Kapitangan ay naglalayon na higit na mabigyan ng espasyo o
puwang ang mga kalahok, turista at mga deboto.
Ang nasabing entablado ay ang pinagtatayuan ng krus kung
saan at ipinapako ang ilang deboto bilang pagtupad sa kanilang panata.
“Halos dalawang linggo na lamang ang nalalabi sa amin para
matapos ang repair at improvement sa entablado at iba pang pasilidad,” ayon kay
Clemente.
Ang pagpapaayos ng pasilidad ay isinasagawa ng BTCVB sa
pakikipagtulungan ni Konsehal Myrna Valencia, at ni Roman Gregorio, ang
pangulo ng Samahang katandaan ng Kapitangan.
Kabilang sa kukumpunihin ay ang entablado na ayon kina
Clemente at Gregorio ay bubuwagin ang pader sa likod upang higit itong
mapaluuwang, at maging ang nasa likod nito ay makapanood sa taunang pagpapako
sa krus.
Maging ang kanal ng irigasyon sa likod ng entablado ay
nakaplano na ring takpan ng concrete slabs upang maging iyon ay magsilbing
espasyo sa mannonood.
Gayunpaman, sinabi nila na ang rehabilitasyon sa kanal ng
irigasyon ay maaring sa isang taon pa matapos.
“Maikli ang
panhon ngayon, pero baka sa susunod na taon, tapos na yang irrigation canal,”
ani Clemente.
Bukod sa
pasilidad, magkakasama rin nilang inoorganisa ang daloy ng trapiko sa nasabing
barangay, maging ang pagpapadaloy ng impormasyon sa mga deboto, turista at mga
mamamahayag.
Bilang
tagapangulo ng BTCVB, isang kaalyadong samahan ng North Philippines tourism
bureau na inorganisa ng Manila North Tollways Corporation (MNTC), inilarawan ni
Clemente na ang Kapitangan ay isang destinasyong pangturismo na hindi na
kailangan ang promosyon.
Ito ay dahil sa mahabang panahon, ang Kapitangan ay dinarayo
ng libo-libong deboto at mga turista tuwing Semana Santa.
Gayunpaman, sinabi ni Clemente na ang kailangan ng turismo sa
Kapitangan ay organisasyon at pagpaplano upang higit ito maging kaaya-aya sa
mga mga deboto at turista.
Tuesday, March 6, 2012
Britons intresadong magnegosyo sa Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS—Tiniyak ng Embahador ng Britanya sa Pilipinas na si Stephen Lillie ang pagpapaigting ng relasyong pang-ekonomiya at pangkalakalan sa Bulacan.
Ito ay dahil sa inaasahang higit na pag-igting ng pangekonomiyang oportunidad at potensyal sa mga susunod na taon hilagang silangang Asya, partikular na sa Pilipinas.
“We look forward to strengthen our relations in with South East Asian countries, particularly the Philippines, and increase trade and economic relations in Bulacan,” ani Lillie sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong nakaraang linggo.
Ayon sa embahador, pinagtutuunan nila ng pansin ngayon ang posibilidad ng pagpapaunlad sa sektor ng renewable energy.
Ito ay dahil sa ang Pilipinas ang nangunungang bansa sa geothermal energy at may higit na potensyal para sa pagpapaunlad ng wind at biomas energy; samantalang ang Bulacan ay isa sa nangungunang lalawigan sa paglikha ng kuryente o hydro power generation sa pamamagitan ng 246-megawatt Angat River Hydro Electric Power Plant (Arhepp) na matatagpuan sa bayan ng Norzagaray.
“Bulacan has so much potentials and opportunities in renewable energy development. With more opportunities, I believe more British companies will come here,” ani Lillie
Nilina ng embahador na ang interes ng mga negosyanteng Briton sa renewable energy ay kaugnay ng kanilang plano na bawasan ang paggamit ng langis sa paglikha ng enerhiya.
“Its part of our plan to be less reliant on oil and gas and to have energy security,” aniya.
Binigyang diin ng embahador na ang pagpapaunlad sa renewable energy ay hindi lamang makakatugon sa kalikasan, kungdi isa ring panglaban sa epekto ng climate change o pagbabago ng klima ng mundo.
Binanggit niya ang karanasan ng lalawigan matapos ang pananasala ng mga bagyong Pedring at Quiel noong isang taon na halimbawa ng pagngangalit ng panahon sa mundo hatid ng climate change at global warming.
Ikinagalak naman ni Gopb. Wilhelmino Alvarado ang hakbang ni Lillie para sa pagpapalakas ng relasyon nito sa Bulacan.
Sinabi ni Alvarado na ilang kababayan ni Lillie ang nagsimula na ng negosyo sa lalawigan
Bukod dito, sinabi niya na ang malapot na relasyon ng Bulacan sa Britanya ay magbubukas ng pinto para sa mga kabataang Bulakenyo na maging bahagi ng cultural exchange program.
Sa kasalukuyan, siyam na kabataang Briton ang kasalukuyang nagsasagawa ng community work sa bayan ng Hagonoy at may darating pang higit na marami para sa katulad na gawain sa Lungsod ng San Jose Del Monte simula sa Abril.
Monday, March 5, 2012
Panukalang total ban sa paputok ng DOH lumang tugtugin na
GUIGUINTO, Bulacan—Lumang
tugtugin na ang panawagan ng Department of Health (DOH) na total ban ng
paggamit ng mga paputok.
Ito ang pahayag ni Celso
Cruz, ang president emeritus ng Philippine Pyrotechnic Manufacturers ang
Dealers Inc. (PPMDAI).
Ayon kay Cruz, may sampung
taon na ring paulit-ulit ang ganitong panawagan ngunit wala namang
kinahihinatnan.
Bukod dito, maging sa
panahon ng martial law ay hindi napatigil ang gobyerno ang paggamit ng paputok
sa pagsalubong sa bagong taon.
Iginiit ni Cruz na isang
tradisyon na sa bansa ang paggamit ng paputok sa tuwing sasapit ang bagong taon
kayat sa halip na isulong ang total ban nito ay dapat isaayos na lamang ang
sistema ng paggawa, pagbebenta at paggamit ng paputok.
Sa katunayan nga aniya ay
isinusulong ng PPMDAI ang bagong IRR o Implementing Rules and Regulation ng R.A
7183.o firecracker law.
“Mas makakatulong ito sa
ligtas na pagpaputok kaysa ipagbawal,” aniya.
Sinabi ni Cruz na kung total
ban sa paggamit ng paputok ang patuloy
na isusulong ng DOH, ito ay tiyak na
magpapataas ng insidente pagkasugat
dahil sa palihim na bentahan at paggamit nito.
Hinggil sa panukala ng DOH
na na maglagay ng common area sa bansa para sa fireworks display ay hindi rin
kakagatin ng mga Pinoy.
Ayon kay Cruz, likas sa mga
Pinoy ang sama-sama sa kanya kanyang mga
bahay sa tuwing sasapit ang Bagong Taon kayat sa bahay pa rin ang mga ito
magpapaputok.
Kung titignan nga aniya ang
talaan ng mga firecracker related incidents ngayong taon ay bumaba pa ito na
patunay lamang aniya na namumulat na ang publiko sa tamang paggamit ng mga
paputok.
San Rafael, bagong investment destination sa Bulacan
SAN RAFAEL, Bulacan—Nagningning ang bayang ito sa
taong 2011 bilang pinakabagong investment destination sa lalawigan.
Ito ay dahil sa
pagbubuhos ng mahigit sa P500-Milyong puhunan ng mga negosyante sa bayang ito
sa nagdaang taon.
Ang pagtatayo
ng negosyo sa bayang ito ay nagbunga naman ng mahigit 700 bagong trabaho, bukod
pa sa patuloy na paghahanap ng mga kawani ng Sutherland Global Services na
nagsagawa dalawang araw na jobs fair sa San Rafael noong Disyembre 27 at 28.
Ayon kay Mayor
Lorna Silverio ng bayang ito, magtatayo ng call center facilities ang
Sutherland Global Services sa kanilang Information Technology TechnoPark na
matatagpuan sa Brgy. Tambubong.
Ang nasabing
pasilidad ay magkakahalaga ng P100-M; at inaasahang aabot sa 2,000 call center
agents ang kakailanganin para sa operasyon.
Dahil dito,
sinimulan ng Sutherland Global Services noong Disyembre 27 at 28 ang dalawang araw
na jobs fair sa munisipyo ng bayang ito.
“They will
establish a call center at our IT Center, that’s why they need at least 2,000
new employees,” ani Silverio.
Ayon sa
alkalde, habang itinatayo ang pasilidad ng Sutherland, ang mga kawaning
mapipili nito at bibigyang pagsasanay sa mga sangay nito sa Tarlac, Clark
Freezone sa Pampanga, at maging sa Taguid sa Kalakhang Maynila.
Bukod sa mga
nasabing lugar, ang Sutherland ay mga sangay din sa Camarines Sur, at Lungsod
ng Davao.
“Habang
sinasanay ang maha-hire na agents, bibiogyan na sila ng suweldo at libreng
tirahan na malapit sa kanilang pagtatrabahuhan,” ani Silverio.
Iginiit pa
niya kapag natapos ang pasilidad hg Sutherland, malaki ang posibilidad na ang
mga napili at sinanay na empleyado ang magsisilibing mga superbisor sa
itinatayong pasilidad sa kanilang IT TechnoPark.
Bukod sa
Sutherland, naingganay rin ang Asian Grains Corporation, isang kumpanyang
Pilipino na may mga produktong yari sa mais na mamuhunan ng P300-M sa Brgy. Pantubig
ng bayang ito.
Maging ang AAIN,
isang kumpanyang Koreano na nabebenta ng mga garments sa ibayong dagat ang namuhunan ng P100-M.
Ang AAIN ay
nagsimula na ng operasyon ay sa kasalukuyan ay may 700 ng manggagawa.
Ang
ika-apatnamang kumpany ay ang Republic Pyrotechnics, na namuhunan ng halagang
P100-M para sa kanilang pasilidad sa Brgy. PUlo.
Ang Republic
Pyrotechnics ay ang ikalawang pabrika ng paputok na nagtayo ng pabrika sa
bayang ito.
Ang una ay ang
Dragon Fireworks, ang pinakamalaking pabrika ng paputok sa bansa.
Sa panayam ng
Mabuhay, sinabi ni Silverio na isa sa mga dahilan kung bakit nahikayat ang mga
mamumuhunan sa bayang ito ay dahil sa itinatayong 22.65 kilometrong Arteial
Road By-pass project na maguugnay sa bayan ng Guiguinto at Brgy. Maginao sa San Rafael.
Ang nasabing
road project magsasanga mula sa North Luzon Expressway (NLEX) sa Guiguinto at
atatahak sa mga bayan ng Balagtas, Plaride, Bustos at San Rafael.
Ang nasabing
proyekto ay pinondohan ng Japan International Copperation Agency at kasalukuyang
isinasagawa ng EC De Luna Construction.
Ang pagtatayo
ng nasabing arterial road bypass project ay batay sa naunang panukala ng Jica
noong 2002 ngunit hindi naisagawa.
Sa naunang
panukala na may kabuuang haling P3-B, ang by pass road project ay nahahati sa
tatalong bahagi.
Una ay ang
Guiguinto-San Rafael By Pass; Cabantuan Bypass at San Jose City By-pass sa
Nueva Ecija.
Bilang
kongresista ng ikatlomng distrito noong 2006, hiniling ni Silverio sa
Malakanyang na ituloy ang nasabing
proyekto, ngunit dahil sa ang pondo nito ay nakabatay sa halaga noong 2002,
hindi na iyon sapat sa tatlong bahaging proyekto.
Dahil dito,
hiniling ni Silverio na ang pondo para sa tatlong baging proyekto ay guguylin
na lamang para sa Guiguinto-San Rafael
By-pass na pinagtibay ng Malakanyang. (Dino Balabo)
Subscribe to:
Posts (Atom)