SAN RAFAEL, Bulacan—Nagningning ang bayang ito sa
taong 2011 bilang pinakabagong investment destination sa lalawigan.
Ito ay dahil sa
pagbubuhos ng mahigit sa P500-Milyong puhunan ng mga negosyante sa bayang ito
sa nagdaang taon.
Ang pagtatayo
ng negosyo sa bayang ito ay nagbunga naman ng mahigit 700 bagong trabaho, bukod
pa sa patuloy na paghahanap ng mga kawani ng Sutherland Global Services na
nagsagawa dalawang araw na jobs fair sa San Rafael noong Disyembre 27 at 28.
Ayon kay Mayor
Lorna Silverio ng bayang ito, magtatayo ng call center facilities ang
Sutherland Global Services sa kanilang Information Technology TechnoPark na
matatagpuan sa Brgy. Tambubong.
Ang nasabing
pasilidad ay magkakahalaga ng P100-M; at inaasahang aabot sa 2,000 call center
agents ang kakailanganin para sa operasyon.
Dahil dito,
sinimulan ng Sutherland Global Services noong Disyembre 27 at 28 ang dalawang araw
na jobs fair sa munisipyo ng bayang ito.
“They will
establish a call center at our IT Center, that’s why they need at least 2,000
new employees,” ani Silverio.
Ayon sa
alkalde, habang itinatayo ang pasilidad ng Sutherland, ang mga kawaning
mapipili nito at bibigyang pagsasanay sa mga sangay nito sa Tarlac, Clark
Freezone sa Pampanga, at maging sa Taguid sa Kalakhang Maynila.
Bukod sa mga
nasabing lugar, ang Sutherland ay mga sangay din sa Camarines Sur, at Lungsod
ng Davao.
“Habang
sinasanay ang maha-hire na agents, bibiogyan na sila ng suweldo at libreng
tirahan na malapit sa kanilang pagtatrabahuhan,” ani Silverio.
Iginiit pa
niya kapag natapos ang pasilidad hg Sutherland, malaki ang posibilidad na ang
mga napili at sinanay na empleyado ang magsisilibing mga superbisor sa
itinatayong pasilidad sa kanilang IT TechnoPark.
Bukod sa
Sutherland, naingganay rin ang Asian Grains Corporation, isang kumpanyang
Pilipino na may mga produktong yari sa mais na mamuhunan ng P300-M sa Brgy. Pantubig
ng bayang ito.
Maging ang AAIN,
isang kumpanyang Koreano na nabebenta ng mga garments sa ibayong dagat ang namuhunan ng P100-M.
Ang AAIN ay
nagsimula na ng operasyon ay sa kasalukuyan ay may 700 ng manggagawa.
Ang
ika-apatnamang kumpany ay ang Republic Pyrotechnics, na namuhunan ng halagang
P100-M para sa kanilang pasilidad sa Brgy. PUlo.
Ang Republic
Pyrotechnics ay ang ikalawang pabrika ng paputok na nagtayo ng pabrika sa
bayang ito.
Ang una ay ang
Dragon Fireworks, ang pinakamalaking pabrika ng paputok sa bansa.
Sa panayam ng
Mabuhay, sinabi ni Silverio na isa sa mga dahilan kung bakit nahikayat ang mga
mamumuhunan sa bayang ito ay dahil sa itinatayong 22.65 kilometrong Arteial
Road By-pass project na maguugnay sa bayan ng Guiguinto at Brgy. Maginao sa San Rafael.
Ang nasabing
road project magsasanga mula sa North Luzon Expressway (NLEX) sa Guiguinto at
atatahak sa mga bayan ng Balagtas, Plaride, Bustos at San Rafael.
Ang nasabing
proyekto ay pinondohan ng Japan International Copperation Agency at kasalukuyang
isinasagawa ng EC De Luna Construction.
Ang pagtatayo
ng nasabing arterial road bypass project ay batay sa naunang panukala ng Jica
noong 2002 ngunit hindi naisagawa.
Sa naunang
panukala na may kabuuang haling P3-B, ang by pass road project ay nahahati sa
tatalong bahagi.
Una ay ang
Guiguinto-San Rafael By Pass; Cabantuan Bypass at San Jose City By-pass sa
Nueva Ecija.
Bilang
kongresista ng ikatlomng distrito noong 2006, hiniling ni Silverio sa
Malakanyang na ituloy ang nasabing
proyekto, ngunit dahil sa ang pondo nito ay nakabatay sa halaga noong 2002,
hindi na iyon sapat sa tatlong bahaging proyekto.
Dahil dito,
hiniling ni Silverio na ang pondo para sa tatlong baging proyekto ay guguylin
na lamang para sa Guiguinto-San Rafael
By-pass na pinagtibay ng Malakanyang. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment