MALOLOS—Matutugunan na ang problema sa tubig ng mga water
district sa Bulacan, ayon kay Gob. Wilhelmino Alvarado.
Ito ay dahil sa matutuloy na ang proyektong Bulacan Bulk
Water na ayon sa sa punong lalawigan ay nakatakdang pirmaha sa Malakanyang
kasunduan ngayong Hulyo matapos ang halos limang taong pagkaantala.
“Magagamit na natin ang tubig sa Angat Dam dahil tentatively
pipirmahan na Malakanyang sa July 5 yung Bulacan Bulk project,” ani Alvarado sa
kanyang lingguhang programa sa DWSS Radio noong Sabado, Hunyo 30.
Hindi tinukoy ng punong lalawigang ang halaga ng magiging
proyekto, ngunit binigyang diin niya na kapag nagsimula ito ng operasyon,
makatitiyaka ang mga Bulakenyo na magiging mas mababa ang presyo ng tubig na
padadaluyin sa Bulacan kumpara sa kalakhang Maynila.
“Our rates will be lower by at least P5 per cubic meters
kahit tumaas ang rates parati pa rin tayong mababa,” ani Alvarado
Ito ay dahil sa ang Angat Dam na pinagkukunan ng 97
porsyentong tubig inumin ng kalakhang Maynila ay matatagpuan sa Bulacan.
Bukod dito, ang tubig na padadaluyin mula sa Angat Dam
patungo sa mga water district sa lalawigan
ay pag-aari ng ng lalawigan.
“May water rights tayo na ibinigay noong 1992, kaya atin
yung tubig, padadaluyin na lang sa mga water district,” ani Alvarado.
Matatandaan na noong huling bahagi ng 2007 at naging mainit
ang debate hinggil sa nasabhing proyekto na noo’y planong pondohan ng Manila
Water Corporation (Manila Water) ng P11-Bilyon.
Sa kabuuan ng pagtatalo sa Sangguniang Panglalawigan, isang
probisyon lamang ng resolusyon ang pinaglabanan.
Ito ay kung itutuloy o iuurong sa ang kasong isinampa ng
laban sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) noong 2005 sa
panahon ni dating Gob. Josie Dela Cruz.
Para kay Alvarado na noo’y
bise gobernandor ng lalawigan at dalawa
pang kaalyadong Bokal dapat matuloy ang kaso maging ang proyekto.
Ngunit namayani ang mga kaalayado sa Sangggunian
Panglalawigan ni dating Gob. Joselito Mendoza na bumoto sa resolusyon
nagsasabing ituloy ang proyekto, ngunit iuurong ang kaso.
Ilang araw matapos mapagtibay ang nasabing resolusyon,
lumagda si dating Gob. Mendoza at
dating MWSS Administrator Lorenzo Jamora sa isang kasunduan para sa proyekto.
Ngunit ayon kay
Bokal Ramon Posadas, nawala ng bisa ang nasabing kasunduan dahil hindi iyon
napagtibay ng MWSS Board.
Sa pahayag ni
Alvarado noong nakaraang Sabado, tiniyak niya na ang makikinabang sa proyekto
ay ang mga Bulakenyo at hindi ang iilang tao.
Binigyang diin
niya na anuman ang maging bahagi ng kapitolyo sa kikitain sa operasyon ng
proyekto, iyon ay makakarating sa taumbayan.
Kaugnay nito,
sinabi ni Nicasio Reyes, general manager ng City of Malolos Water District
(CMWD), na ang mataas na water rates na ipapataw sa pagpapadaloy ng tubig ang
ipinangamba ng mga water district noong 2007.
Inihalimbawa niya
na noong 2007, ang panukalang presyo ng Manila Water ay P16 bawat kubiko metro.
Ito ay higit na
mataas sa noo’y P12 bawat kubiko metrong singil ng CMWD.
“Mas malaking problema, kasi tubig pa lang ay P16 na ang
sisingilin wala pa yung distribution rates,” ani Reyes sa panayam noong Mayo..
Ang konsepto ng proyektong Bulacan Bulk ay unang nabuo noong
1992 sa panaunuingkulan ni dating Gob. Roberto Pagdanganan.
Sa panahon ng panunungkulan ni Dela Cruz mula 1998 hanggang
2007, ito ay ibinilang na na priority project ng kapitolyo.
Ngunit matapos ang siyam na taon ay wala ring nangyari sa
kabila ng pagpapahayag ng interes sa proyekto ng Vivendi, isang kumpanyang
Pranses. (Dino Balabo)