LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan,
Hulyo 2 (PIA) - Wala pa ring
makakatalo sa Bulacan pagdating sa kaunlaran ng mga micro,
small and
medium enterprises (SMEs) sa buong rehiyon ng Gitnang Luzon.
Ito ang pahayag ni Zorina ‘Rhine’ Aldana, provincial
director ng
Department of Trade and Industry (DTI) sa Bulacan, sa
ginanap na
Enhanced SME Caravan kaugnay ng paparating na SME Month
ngayong Hulyo.
Patunay dito ang may P6 bilyong kabuuang ari-arian at
pamumuhunan ng
mga tukoy na SMEs sa lalawigan ng Bulacan.
Ani Aldana, lumakas nang husto ang mga SMEs sa Bulacan dahil
bukod sa
mga indibidwal na nagtitinda, ang mga mismong kooperatiba sa
Bulacan
ay hindi lang nagpapautang ng puhunan, sila mismo ay may
product
development para sa kani-kanilang SMEs mismo.
Kilala ang Bulacan sa mga produktong matatamis gaya ng
Pastillas,
Inipit, Ensaymada de Malolos at Pulburon. Sa lalawigan din
unang
ipinakilala ang paggawa ng tinapang Bangus, pamosong Sukang
Paombong,
Liempong Bocaue at Longganisang Calumpit. Bukod sa mga
pagkain, may
mga handicrafts din tulad ng Baro’t Saya ng Pandi, Parol na
Kapis ng
Bocaue, Fine Jewelry ng Meycauayan at sambalilong Buntal ng
Baliwag.
Kaya naman noong 2003, dahil sa pag-usbong at pag-unlad ng
mga SMEs sa
Bulacan, inilunsad ng pamahalaang panlalawigan ang “Tatak
Bulakenyo”
na nagsisilbing selyo ng mataas na kalidad na produktong
gawa ng mga
Bulakenyo.
Ayon sa DTI, ito ring konsepto ng ‘Tatak Bulakenyo’ ang
naging modelo
sa paglulusad ng program One Town, One Product (OTOP) noong
2005.
Layunin nitong makalikha ng tatlong milyong trabaho para sa
SMEs sa
pamamagitan ng paglikha at pagpapakilala sa merkado ng mga
natatanging
produkto sa bawat bayan at lungsod sa bansa.
Samantala, upang manatili ang pagiging SME Capital ng
Bulakan sa
rehiyon, patuloy na pinagbubuti ang mga imprastraktura na
pangunahing
kailangan sa pagsusulong sa sektor na ito. Pangunahin na
riyan ang
pagsusulong sa Bulacan Packaging Service and Toll Packing
Center na
makasama sa radar ng pamantayan ng Bureau of Food and Drug.
Habang isa
nang atraksiyon sa Kapitolyo ng lalawigan ang Bulacan,
Tourism and
Business Assistance Center na nagsisilbing ‘One-Stop Shop’
at showroom
ng mga produktong ‘Tatak Bulakenyo.’ (CLJD/SFV-PIA3)
No comments:
Post a Comment