MALOLOS—Ikinalungkot
ng mga opisyal sa Bulacan ang pagkaantala ng Proyektong NorthRail at sinabing
makakapekto ito sa inaasahang kaunlaran ng lalawigan
Kaugnay
nito, inihayag ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang
planong paghahain ng ng kontrobersyal na proyekto sa internation arbitration
court upang matukoy ang babayarang utang sa Tsina.
Ngunit
nagpahayag din ang abogado na walang dapat bayaran sa Tsina ang bansa dahil
illegal ang kontrata sa proyekto.
Ayon
kay Mayor Christian Natividad ng lungsod ng ito, marami ang umasa sa proyektong
NorthRail.
Ito
ang dahilan ng mabilis na pagdami ng mga negosyo at iba pang establisimyento sa
lungsod at mga karatig bayan partikular na sa mga lugar kung saan may itatayong
terminal.
“Hangga’t
naaantala ang NorthRail, naaantala rin ang inaasahang kaunlaran ng Malolos,”
ani Natividad sa isang panayam ng Radyo Bulacan.
Nilinaw
niya na maraming negosyante sa lalawigan ang nag-aabang para sa implementasyon
ng Nortrail na ang unang bahagio ay mag-uugnay sa lungsod naito at Lungsod ng
Kalooka.
Ang
ikalawang bahagi ng proyekto ay mag-uugnay naman sa lungsod ito at sa Clark
Freeport Zone sa Pampanga.
Bukod
sa mga negosyante, sinabi ni Natividad na libo-libong Bulakenyo rin ang umaasa
sa NorthRail.
Ito
ay para sa mabilis na biyahe patungo sa Maynila o kaya sa Pampanga.
Inayunan
din ito ng negosyanteng si Ambrosio Cruz, ang dating alkalde ng Guiguinto.
Sinabi
ni Cruz na nakalulungkot tingnan ang mga Bulakenyong nakahanay sa kahabaan ng
macArthur Highway tuwing umaga habang naghinitay ng masasakyang bus o FX taxi
na maghahatid sa kanila sa kalakhang Maynila.
Bilang
dating alkalde ng Guiguinto, sinabi ni Cruz na agad silang kumilos noong 2004
hanggang 2005 upang mailipat ang mga iskwater sa mga resettlement site.
Ito
ay upang bigyang daan ang mabilis na konstruksyon o implementasyon ng proyekto.
Ngunit
anim na taon ang nagdaan, wala pa ring nangyayari sa proyekto at ang kontrata
nito sa Tsina ay kinansela.
Katulad
ng naunang pahayag ni Cruz, sinabi ng Bulacan Chamber of Commerce and Industry
(BCCI) na higit na kaunlaran ang inaasahang ihahatid ng NorthRail sa Bulacan.
Binigyang
diin nila na magsisilbing “instant growth areas:” ang mga lugar kung saan
magtatayo ng terminal o istasyon ang NorthRail sa Lalawigan.
Ayon
kay Mara Bautista, consultant ng BCCI, ang pagkakaroon instant growth areas sa
lalawigan ay hindi imposible.
Ipinaliwanag
niya na ang mga ganitong karanasan ay nakita nila sa Japan at iba pang bansa
may serbisyo ng tren.
Ito
ay dahil sa maraming taon ang dumadaan sa istasyon at ang mga ito ay
napapaligiran ng sari-saring negosyo tulad ng mga tindahan.