LUNGSOD
NG MALOLOS- Pangungunahan ng Bulacan Chamber of Commerce and Industry (BCCI)
katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang tatlong araw na Bulacan
Builders’ Exposition sa darating na Lunes Oktubre15, 2012, sa Hiyas Pavilion sa lungsod na ito.
Makikita
sa nasabing expo ang may 80 exhibitors kabilang na
ang property developers, contractors, architects, interior decorators,
furniture at furnishings, construction supplies, home financing, landscaping at
iba pang mga gamit sa paggawa at pagbuo ng bahay.
Ayon
kay BCCI President Violeta Luna, “Buildex 2012 not only hopes to support the
property and construction industry sectors in the province of Bulacan,
ultimately, it wants to promote Bulacan as the ideal place to live in.”
Sinabi
rin ni Luna na magkakaroon ng libreng konsultasyon sa design, financing, at
pagdodokumento ng mga ari-arian, gayundin ang libreng dalawang araw na seminar
mula ika-16 hanggang ika-17 ng Oktubre.
“To
those who’ll come and visit they will be able to witness the original art
pieces of Bulacan artists, who will conduct free sketching on the exhibit site.
Raffle prizes also await patrons and visitors during the 3-day fair, they can
also learn from the masters in property development trends and product
standards in the speakership series,” pahayag niya.
Inaasahan
ding dadalo upang sumaksi at makiisa sa pagbubukas ng programa si Sen. Loren
Legarda kasama si Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado.
“This is a free admission exposition, malaki
ang maitutulong nito para magkaro’n tayo ng idea of a perfect home. Alam naman
natin, there’s no place like home kaya dapat ang mga bahay natin kahit simple,
kumportable at matutulungan din natin na ilabas at ipakita ‘yung mga
itinatagong galing ng mga Bulakenyo,” ani Alvarado.
Para
sa karagdagang impormasyon, maaring tumawag sa telepono bilang (044)791-2574 at
662-1180 at hanapin si Nani Mallari o bisitahin ang BCCI website sa
www.bulacanchamber.ph.
No comments:
Post a Comment