ANGAT,
Bulacan—Maraming sakripisyo at hirap na pinagdaanan sa unang 10 taon ng Gawad
Kalinga (GK) ang tagapagtatag nitong si Tony Meloto.
Ngunit
may isang komento hindi niya makakalimutan kaugnay ng krisis sa pork barrel na
kinasasangkutan ng mga senador at ni Janet Lim Napoles na sinasabing utak ng
P10-Bilyong pagwawaladas sa salapi ng bayan.
“Sabi
nila, Gawad kalinga ang antidote kay Napoles,” sabi ni Meloto habang nakangiti
sa isang ekslusibong panayam ng Mabuhay noong Huwebes, Oktubre 3 sa bayang ito.
Si
Meloto ay nasa bayang ito noong Huwebes kaugnay ng apat na araw na Social
Business summit 2013 na nagsimula noong Miyekoles.
Ang
nasabing pagtitipon ay isinagawa kaugnay ng ika-10 anibersaryo ng GK na ginanap
sa Enchanted Farm ng GK na matatagpuan sa Barangay Encanto ng bayang ito.
Ayon
kay Meloto, kung may naging kontribusyon man si Napoles sa bayan sa
kasalukuyang panahon, ito ay ang dagdag na kaalalaman kung paano ginagamit ang
daan-daang milyong pisong pork barrel fund ng mga senador at kongresista.
“Ngayon,
mas aware ang taumbayan sa pork barrel dahil kay Napoles,” sabi niya.
Dahil
dito, mas higit na nabibigyan pansin ng maraming Pilipino ang ginagawang
pagtulong ng GK sa mga mahihirap.
Kabilang
dito ay ang pagpapatayo ng mga pabahay, at paglikha ng hanapbuhay sa mga
mamamayan.
Ngunit
ang ginagawa ng GK ay taliwas sa pamamaraang ginagawa ng marami, partikular sa
pork barrel na diumano ay ginagamit na pantulong sa taumbayan, ngunit ang pondo
ay nagmumula sa gobyerno.
Ayon
kay Meloto, ang GK ay hindi humingi ni isang kusing sa gobyerno upang
maitaguyod ang mga programa at misyon nito.
“We
never and we don’t ask money from the government,” aniya at iginiit na minsan
ay naging pahayag ng dating Pangulo ng Estados Unidos na si John F. Kennedy.
Ayon
kay Kenneddy, “don’t ask your country what your country can do for you, ask
what you can do for your country.”
Sinabi
ni Melotona ang prinsipyo ng pahayag ni Kennedy ay bahagi rin ng kanilang
prinsipyo sa pagtulong sa kapwa.
Sa
katunayan, sa loob ng unang 10 taon ng GK ay umabot sa mahigit 1-M kataoang
kanilang natulungan, kasama ang mahigit 1-Milyong volunteers.
Bukod
dito, lalo ring dumami ang tumutulong sa GK sa pagtataguyod ng mga palano at
misyon nito.
Kabilang
dito ay ibat-ibang malalaking kumpanya.
Para
naman sa susunod na 10 ng GK, inihayag ni Meloto ang planong GK na makatulong
sa 5-M katao.
“Hindi
imposible yan, dahil marami at dumarami ang tumutulong sa atin,”sabi niya.
Iginiit
niya na ang GK ay nagsisilbi ngayon na isang malawakang plataporma para sa
pagkakaisa ng mga Pilipino.
“Mas
nakikita ngayon ng marami lalo na ang mga mayayaman at makakapangyarihan na
hindi pwedeng iwanan ang mahihirap,sa halip ay dapat tulungan,” aniya.
Isang
halimbawa nito ay ang pagdalo nina Vice President Jejomar Binay, at Education
Secretary Armin Luistro at ibapang mataas na opisyalat kilalang negosyante sa
bansa at ibayaong dagat sa isinawagang Social Business Summit 2013.
“Kayang
kaya, basta walang iwanan,” dagdag ni Meloto patungkol sa kanilang pangarap sa
susunod na 10 taon.
Ngunit
ang pananagumpay ay hindi nakamit ng madalian.
Sa
panayam ng Mabuhay, nagbalik tanaw si Meloto sa mga hirap sakripisyo na
pinagdaanan ng GK.
Isa
sa mga ito ay ang kawalan ng paniniwala o pagdududa sa plano ng GK.
Ang
kalagayang ito ay napagtagumpayan ni Meloto at mga kasama, ngunit hindi pa iyon
ang pinakamasakit.
“Masakit yung hindi sila naniniwala noon una,
pero mas masakit yung iiwanan ka ng mga malalapit sa iyo,” aniya.
Ngunit
hindi napigilan nito si Meloto at GK, Sa halip ay nagpursige sila at
ipinagpaatuloy ang paniniwala.
Ito
ay tinugon ng maraming biyaya at mas maraming tulong.
Sa
kanyang paglalarawan, sinabi ni Meloto na ang ginawag ng GK ay isang “expression
of love and faith in action.”
No comments:
Post a Comment