BALAGTAS, Bulacan—Higit na kaunlarang ng Gitnang Luzon ang
target ng mga higanteng proyekto na ng Department of Public Works and Highways
(DPWH) matapos ilahad ang masterplan para sa mga proyektong
pang-imprastraktura.
Kabilang dito ay ang pagsusudlong at pagpapalwak sa mga
kasalukuyang lansangan, konstruksyong ng mga panibagong lansangan para sa
mabilis na biyahe sa malalayong lugar, at proyektong pamilgi baha o flood
control projects.
Ayon kay Kalihim Rogelio Singson ng DPWH, ilan sa mga
higanteng proyektong pangimprastrkatura sa Gitang Luzon ay nasimulan, at ang
iba pa at sisimulan sa susunod na taon, partikular na ang P12-Bilyong
masterplan para sa turismo.
Pangunahin sa mga proyekto ng DPWH ay ang P29.2-B Central
Luzon Link Expressway (CLLEx).
“Nakalinya na rin through the guidance and funding ng Jica ang
Central Luzon Link Expressway (CLLEx),” ani Singson patungkol sa 63.9 kilometrong
expressway na popondohan ng Japan International Cooperation Agency (Jica).
Ang CLLEx ay magsasanga sa bahagi ng Tarlac-Pangasinan-La
Union Expressway (TPLEX) sa bahagi ng La Paz, Tarlac, patungo sa mga Lungsod ng
Cabanatuan at San Jose sa lalawigan ng Nueva Ecija sa silangang bahagi ng
Gitnang Luzon.
Mula naman sa CLLEX, magsasanga ang Dalton Pass Alternative Road na patungo
sa lalawigan ng Nueva Vizacaya hanggang Isabela at Cagayan.
“Hindi kasi pupuwede na umulan o lumindol lang ay close-open
na yung Dalton
Pass, we need an alternate route towards Region II,” ani ng kalihim at iginiit
na ang Dalton Pass Alternative Road Project at bubutas sa mga bundok.
Ipinagmalaki niya na kapag natapos ang mga nasabing
proyekto, higit na kaunlarang pang-ekonomiya ang ihahatid nito sa mga lalawigan
sa silangang Luzon dahil mapapabilis ang
pagbibiyahe ng mga produkto.
Sinabi pa niya na isusunod din nila sa CLLEX ang
konstruksyon ng highway patungo sa lalawigan ng Aurora sa silangang bahagi ng
Gitnang Luzon na nakaharap sa dagat Pacifico.
“Hopefully, maunpisahan na rin ang papuntang Aurora, we are completing
the Baler-Casiguran Highway,”
ani Singson.
Hinggil naman sa
TPLEX, sinabi ng kalihim na matatapos na ang bahagi nito hanggang Gerona,
Tarlac sa taong ito.
Nguniy binigyang diin niya na na tinawag na nila ang pansin
ng kontraktor at proponent ng TPLEX na magsumite ng proposal para dagdagan pa
ng dalawang lane ito.
“Hindi pwede yung two lanes lang, tapos salubungan pa, medyo
delikado,” ani Singson.
Binanggit rin niya nagnakipagpulong na siya sa mga opisyal
ng Department of Tourism para sa proyektong pang-imprastaraktura.
Ayon kay Singson, tinatapos na nila ang masterplan para sa
P12-B tourism infrastusture support program na isasagawa sa susunod na taon.
(Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment