LUNGSOD NG MALOLOS— Mas magandang oportunidad ang naghihintas
sa mga bagong graduate at mga umaasang magkatrabaho sa inihandang Job Fair
ng Department of Labor and Employment
(DOLE) sa pakikipatulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna
ni Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado.
Ayon kay Alvarado, ito ay gaganapin sa SM Event’s Center sa
Baliwag at Marilao kaalinsabay ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa o ‘Labor Day’ ngayong
Mayo Uno.
Nabatid mula sa Provincial Youth, Sports, Employment, Arts,
Culture, and Tourism Office na ang mga kumpanyang lalahok ay mula sa mga industriyang
cyber services, banking and finance at service crew jobs. Ang mga job
opportunity ay mula sa apat hanggang limang kumpanya para sa overseas
employment at hindi bababa sa 20 para
sa lokal na trabaho.
Pinapayuhan ang mga aplikante na dalhin ang kumpletong
dokumento na kailangan sa pag-aaplay ng trabaho tulad ng resume with pictures,
certificate of trainings, atbp.
“For the jobseekers, don’t miss this event wherein you could
be matched with productive opportunities as well as possibility to be hired on
the spot,” dagdag pa ng punong lalawigan.
Bago ito, nauna
nang naiulat na sinabi ni DOLE Regional Director Raymundo G. Agravante na mahigit 10,000 trabaho ang naghihintay sa mga
jobseeker sa Gitnang Luzon at mayroon ding iba’t ibang benepisyaryo ng
livelihood products ang itatampok
ng DOLE Regional Office 3 sa sabayang Job and Livelihood Fair na gaganapin
sa iba’t ibang kilalang lugar sa buong
rehiyon.
No comments:
Post a Comment