LUNGSOD NG MALOLOS- Ipinahayag ni Tourism Infrastructure and
Enterprise Zone Authority (TIEZA) Chief Operating Officer Mark Lapid ang
suporta sa pagsasakatuparan ng Angat
Water Park
Eco-tourism Project at hinimok ang mga lokal na pamahalaan na tapusin ang proyekto
sa lalong madaling panahon.
“TIEZA is willing to invest funds to realize this project.
Naisagawa na po ang plano para dito, pero iminumungkahi ko na ang bawat bayan
na sakop nito ay mag-isip din ng natatanging turismo o attractions na makikita
lamang sa kanilang bayan upang maiwasan ang kompetisyon at sa gayon ay mabigyan
din ng iba’t ibang activities ang mga nais pumasyal dito,” ani Lapid.
Kasabay nito ang
groundbreaking ceremony na isinagawa sa Sitio Pugpog, Sta. Cruz, Angat sa pangunguna ni Gob. Wilhelmino M.
Sy-Alvarado.
Idinagdag pa ni
Alvarado na buo rin ang kanilang suporta sa pagtatayo ng tatlong ektaryang
Environment Water Sports Facility sa ilog ng Angat na inaasahang maglalaan ng
kumpletong adventure package para sa mga turista.
“Investors are very willing to invest in Bulacan, that’s why
there is a huge potential for development and progress. But with development
also comes our responsibility to our environment. We must properly monitor the
execution of this project so as to continuously preserve the abundant gift of
nature found in this place,” wika ni Alvarado.
Sinabi pa niya na sakop nito ang apat na bayan sa Bulacan na
binubuo ng Angat, Norzagaray, Bustos at San
Rafael.
Idinagdag pa ni Angat Mayor Gilberto Santos na ipinagawa na
ang kalsada papunta dito, nakapagpagawa na rin ng mga kubo, at nagagamit na ang
mga kagamitan tulad ng water bikes at kayaks.
“We are planning to put amenities such as water skiing, jet
skiing, boating, kayaking, zipline, wakeboarding, floating restaurants, fishing
and picnic areas. We are hoping that the entire facility will be finished next
year,” ani Santos.
Nakiisa rin sina San Rafael Mayor Lorna Silverio, Norzagaray
Mayor Feliciano Legaspi at Bustos Mayor Arnel Mendoza, sa paglagda ng
memorandum of agreement sa pagitan ng TIEZA at ng mga lokal na pamahalaan.
“With all the resources and plans put in place, very soon
people will say, ‘Water sports are more fun in Bulacan,’” wika pa ni Lapid
No comments:
Post a Comment