Saturday, May 5, 2012

Nag-iisang low fat, low sugar ice cream gawa sa Bulacan

Rufina Agustin (right).


MALOLOS—Gusto mo bang kumain ng sorbets dahil sa init ng panahon, ngunit nangangamba ka dahil baka tumaas ang iyong blood sugar at kolesterol?

Huwag malungkot, sapagkat mayroon ng low fat at low sugar na sorbetes at ito ay isang natatanging produktong Bulakenyo.

Ang low fat, low sugar ice na sorbetes ay bunga ng pagsasaliksik ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ng Department of Science and Technology, ngunit ang nag-iisang gumagawa nito sa bansa ay ang Dairyman Ice Cream na nakabase sa Plaridel, Bulacan.

Ang produktong ito ay ibinbenta sa mga exclusive outlets ng Dairyman sa Luzon at maging sa kalakhang Maynila.

Sa kanyang pahayag sa mga lumahok sa kaun-unahang Technology Investment Forum na isinagawa sa Club Royale Resort sa lungsod na ito noong Abril 26, sinabi ni Wenifrida Lainez, isang senior research specialist mula sa  FNRI, ang Dairyman Ice Cream ang nag-iisang kumpanya sa bansa na gumagawa ng nasabing produkto.

Ito ay matapos tumigil ang isa pang katulad na kumpanya sa Leyte matapos biksan ngv FNRI ang teknolohiya sa merkado.

Sinabi ni Lainez na mahigit lamang P1-Milyon ang puhunan sa pagsisimula ng low-fat, low sugar ice cream at kabilang dito ang mga kagamitan sa produksyon maging ang blast freezer para sa mga produkto.

Binigyang diin ni Lainez na ang produkto ng Dairyman Ice Cream ay mayroon lamang nilalamang .46 porsyentong fat kumpara sa regular na sorbetes na may nilalamang 10.9 porsyentong fat.

Ang asukal nito ay .1 porsyento lamang kumpara sa 23.3 porsyentong asukal ng regular na sorbetes.

Ipinaliwanag ni Lainez na “fat enhances flavor, while sugar enhances texture and palatability.”

Ipinaliwanag niya na hindi regular na asukal ang nagpapatamis sa produkto ng Dairyman, sa halip ay mga sugar substitute.

Kung mababa ang fat at sugar content ng produkto ng Dairyman, mataas naman ito sa protina.  Ayon kay Lainez, umaabot sa 4.3 porsyento ang protein content ng Dairyman, samantalang ang regular na sorbetes ay 4.0 porsyento lamang sa bawat 100 gramo.

Hinggil naman sa presyo, sinabi ni Rufina Agustin, may-ari ng Dairyman na umaabot lamang sa P130 bawat litro ang kanilang benta.  Ito ay mas mababa kumapara sa ibang ice cream.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Agistin na vanilla flavot pa lamang ang kanilang ibinbenta, ngunit bago matapos ang buwan ay magdagdag sila ng ube, chocolate at buko pandan flavor.

“There is an increasing demand for low fat and low sugar ice cream,” aniya at sinabing gagawa na rin sila ng low fat low sugar ice cream sa mga maliit na cups.

Hinggil naman sa mga gamit sa produksyon, ipinagmalaki ni Agustin na primera klase ang kanilang gamit.

“Kung ano ang ginagamiot na equipment ng mga leading brand, iyon din ang ginagamit naming.   Pareho lang kami sa roseso,” aniya. (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment