MALOLOS—Dapat manatiling bukas ang Bulacan para sa ibang
mamumuhuan
upang mas maraming negosyo ang pumasok sa lalawigan.
Ito ang buod ng pahayag ng isa sa mga pangunahing land
developer sa
lalawigan ng kanyang tutulan ang panukalang limitahan sa mga
negosyanteng Bulakenyo ang pagtatayo ng mga proyektong
pabahay at iba
pang land development sa Bulacan.
Ipinayo pa niya na dapat maging investor friendly ang mga
pamahalaang
lokal at mga namumuno
dito upang higit na makaingganya ng dagdag na
mamumuhunan.
Ayon kay Amando Buhain, pangulo ng Asian Land Strategies
Corporation,
ang paglilimita sa mga proyektong land development sa lalawigan
sa mga
Bulakenyo ay hindi akma sa pananaw ng free enterprise.
Ang Asian Land Strategies Corporation ay ang developer ng
Grand Royale
Subdivision, ang isa sa pinakamalaking subdivision sa
lungsod na ito.
“How many Bulakenyo businessmen are willing to invest their
fortunes
in Bulacan,” ang pataniong na sabi ni Buhain sa mga
negosyanteng
dumalo sa talakayang inorganisa ng Bulacan Chamber of
Commerce and
Industry (BCCI) sa Hiyas ng Bulacan Convention Center (HBCC)
noong
Biyernes, Agosto 31.
Bilang presidente ng Asian Land, ikinuwento ni Buhain ang
kanyang
karanasan ng kanyang simulan ang pagtatayo ng Grand Royale
Subdivision
sa lungsod na ito.
“Sabi nila sa akin, ang tagal na naming dito sa Malolos,
bakit ikaw
ang nakaisip na magbuhos ng iyong naipon dito,” ani Buhain
na
nagsilbing alkalde ng bayan ng Plaridel.
Ayon pa sa dating alkalde, mas makabubuting mag-sosyo ang
mga
negosyante sa lalawigan samga nais mamumuhunan.
Ito ay upang mas maraming negosyo ang pumasok sa lalawigan
na
makalilikha ng mas maraming trabaho.
Binigyang diin niya na ngayong halos napupuno na ng negosyo
ang
Calamba, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon o Calabarzon na
nasa timog
ng kalakhang Maynila, ang mga negosyante ay nakatutok ngayon
sa norte
o hilaga.
Sinabi niya na nasa magandang posisyon ang Bulacan upang
maging isa sa
mga lalawigang makikinabang sa mga bubuksang negosyo sa
hilaga ng
Maynila.
“Now that Clark Airport is being improved, more investments
are coming
to us, but we have to be prepared,” payo ni Buhain.
Iginiit pa niya
na isa sa mga susi upang higit na maging kaakit-akit
sa mga negosyante ang Bulacan ay dapat maging investor
friendly ng mga
pamahalaang lokal at mga namumuno.
“Our local government units must be investors friendly, or
else, we
will miss the opportunities for further development,” payo
pa ng
beeteranong negosyante.
Inayunan din ito nina Mara Bautista, ang dating patnugot na
tagapagpaganap ng BCCI, ani Arlene Pascual, ang hepe ng
Provincial
Planning and Development Office (PPDO0 ng kapitolyo.
Ayon kay Bautista, mas madaling makakahikayat ng negosyante
ang mga
pamahalaang lokal kung mayroon ang mga ito na comprehensive
land use
plan (CLUP).
Ipinaliwanag ni Bautista na ang CLUP ay nagsisilbing gabay
sa mga
negosyante sa
pagpili ng mga lugar na pagtatayuan ng negosyo.
Ngunit ayon kay Pascual, hindi lahat ng pamahalaang lokal sa
lalawigan
ay may CLUP.
Binigyang diin pa ni Pascual na ang Provincial Development
Physical
Framework Plan (PDFP) ng lalawigan ay higit na magkakaroon
ng
kabuluhan kung an gmga bayan at lungsod ay may CLUP.
Una rito, sinabi ni Akbayan Party-list Rep. Arlyn Bag-ao na
hanggang
sa kasalukuyanay ipinakikipagpalaban pa nila sa Kongreso ang
pagpapatibay ng National Land Use Plan.
Ayon kay Bag-ao, ang panukalang batas para sa National Land
Use Plan
ay halos 20 taon ng natutulog sa Kongreso.
No comments:
Post a Comment