LUNGSOD
NG MALOLOS, Bulacan -- Popondohan ng Japan International
Cooperation Agency (JICA) ang $1.23 bilyong MRT Line 7 na tatahak mula lungsod
ng San Jose Del Monte sa Bulacan hanggang SM North EDSA.
Sa
isang press conference kamakailan, sinabi ni San Miguel Corporation (SMC) Chief
Executive Officer Ramon Ang na dahil sa pagpopondong ito ng JICA ay tuluy-tuluy
na ang konstruksyon ng tren na magbibigay ng ginhawa sa mag estudyante at
nagtatrabaho.
Matatandaan
na taong 2008 pa ipinagkaloob sa SMC ang konsesyon na magtayo at magpatakbo sa
MRT 7 sa ilalim ng Built-Operate-Transfer (BOT) Scheme sang-ayon sa Republic
Act 7718.
Mag-u-umpisa
ang MRT 7 sa Tala sa lungsod ng San Jose Del Monte at babaybay ito sa Fairview,
Commonwealth Avenue, gilid ng Eliptical road sa may Quezon Memorial Circle saka
papasok sa North Avenue patungo sa Paramount sa may tapat ng SM North Edsa at
Trinoma Mall.
Nakatakda
itong idugtong sa ngayo’y bagong operasyonal na LRT-MRT Closing the
Loop-Interconnection Project.
Ibig
sabihin, kapag nakumpleto na ang kontruksiyon, magiging isang Mega Rail Station
ang kabuuan ng Paramount na nasa panulukan ng EDSA at North Avenue. Shane
Frias Velasco, PIA 3
No comments:
Post a Comment