LUNGSOD
NG MALOLOS, Bulacan – Nagpakita ng interes ang Metro
Pacific
Investments Corporation (MPIC) na pondohan ang kauna-unahang bullet
train
ng Pilipinas na kokonekta sa mga paliparan ng Ninoy Aquino sa Maynila at
Clark.
Sa
isang panayam sa ginanap na business forum sa Bulacan, sinabi ni MPIC
Chairman
Manuel Pangilinan na buo na ang plano para sa pagtatayo ng isang High-
Speed
Railways.
Nagkakahalaga
ang proyekto ng $3 bilyon na gagastusan ng pribadong sektor sa
pamamagitan
ng Built-Operate-Transfer.
Ipinaliwanag
ni Pangilinan na sa pamamagitan nito ay 20 minuto lamang ang
biyahe
mula Manila patungong Clark.
Ito
ay tatakbo sa ibabaw ng North Luzon Expressway-South Luzon Expressway
Skyway
Connector. Shane Frias Velasco, PIA 3
eh bakit di nalang ituloy yung na udlot na northrail?
ReplyDelete