HAGONOY,
Bulacan—Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na
makaka-ani ng sapat ang mga namamalaisdaan sa Bulacan upang ibenta sa ibayong
dagat sa kabila ng mga biglaang pagbabago ng temp
Kaugnay
nito, nakahanda na ang itatayong ice making machine sa bayang ito na kaloob ng
BFAR upang matugunan ang pangangailangan sa yelo.
Samantala,
umaasa ang mga namamalaisdaan na higit na tataas ang kanilang produksyon
ngayong patapos na ang tag-araw na tinampukan ng mga biglaang pagbabago ng
temperatura na nagsilbing malaking banta sa kanilang alagang isda, alimango, hipon
at sugpo.
Ayon
kay Dr. Remedios Ongtangco, direktor ng BFAR sa Gitnang Luzon, mahigit ng 10
taong ang nakalilipas ng mapasok ng mga Bulakenyong namamalaisdaan ang mga
merkado saibayong dagat.
Kabilang
dito ang merkado sa Estados Unidos, Japan at Europa kung saan ay kanilang
naibebenta angmga iladong tilapia, mga hipon at sugpo.
“Mahuhusay
dahil makaranasan ang mga namamalaisdaang Bulakenyo, kaya alam nila kung
paanopatatakbuhin ang palaisdaan kahit na adverse ang weather condition
natin,” ani Ongtangco patungkol sa maghapong pag-init ng panahon na nasusundan
ng biglaang pag-ulan.
Dahil
dito, ipinahayag niya na makaaani ng sapat ng mga namamalaisdaan upang
masustinihan ang dami ng produktong dapat ibenta sa ibayong dagat.
Inayunan
din ito ni Felix Terrado,ang direktor ng Brackishwater research station ng BFAR
sa bayang ito.
Ayon
kay Terrado, maraming namamalisdaan sa Gitnang Luzon ang pansamantalang tumigil
sa operasyon ngayong tag-araw dahil pangambang malusaw ang kanilang alaga.
Ngunit
iginiitniya na marami din samga namamalaisdaan ang naghahanda na para
sa pagpapatuloy ng kanilang operasyon simula ngayong Hunyo.
“Mahahabol
natin ang production sa second half of the year, maaabot pa rin ang export
targets,” ani Terrado sa isang panayam sa telepono noong Hunyo 5.
Batay
sa tala ng BFAR, ang mga Bulakenyong namamalaisdaan ay nagbebenta ng 500
hanggang 600 metriko tonelada ng sugpo sa Japan; 150 hanggang 200 metriko
tonelada sa Estados Unidos at 10 hanggang 15 metriko tonelada sa Europa.
Kung
tilapia naman ang pag-uusapan,umaabot sa 200 hanggang 300 metriko tonelada ang
naibebenta bawat taon sa Estados Unidos.
Gayunpaman,
sinabi ni Ongtangco, na ang nasabing tala at mas mababa sa aktuwal na benta sa
ibayong dagat ng mga anis a palaisdaan sa Bulacan.
Ito
ay dahil saang mga nasabing tala at batay sa mga tala ng mga plantang nakabase sa
Bulacan na silang nagpoproseso ng mga tilapia at sugpo.
Hindi
kasama sa nasahign tala ang produktong pinoproseso sa mga planta sa labas ng
Bulacan.
Dahil
sainaasahang patuloy na pagtaas ng produktong ibinebenta sa ibayong dagat,
nagkaloob ang BFAR ng dalawang ice making machine sa Bulacan.
Isa
rito ay itatayo sa bayang ito; at ang ikalawa ay itatayo sa bayan ng Bocaue.
Ayon
kay Ongtangco,ang bawat isa sa nasahign makina ay may kakayang lumikha ng
yelong umaabot sa loimang tonelada bawat araw.
Ang bawat makina ay nagkakahalaga ng P1.8-M.
Samantala,
ikinagalak ng mga namamalaisdaan sa Bulacan ang nalalapit na pagsapit ng
tag-ulan.
Ito
ay dahil na pinangambahan nila ang biglaang pagbabago ng temeperatura sa mga
nagdaang buwan.
Ayon
kay Celso Inocencio ng bayang ito, mas mahirap
harapin ang problemang hatid ng mainit na panahon.
Ito
ay dahil sa hindi nila ito makontrol.
Hinggilnaman
sa posibilidad ng pagbaha,marami sa mga namamalaisdaan sa bayang itoang nagtayo
ng lambat sa pilapil upang bumaha man ay hindi matapon ang kanilang alagang
isda, sugpo at alimango. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment