MALOLOS—Patuloy
ang paglago ng San Pablo Multi-purpose Cooperative (SPMPC) na nakabase sa
lungsod na ito matapos ang 21 taon ng operasyon.
Kaugnay
nito, inaasahang lolobo sa 3,300 ang kasapi ng SPMPC sa susunod na taon,
samantalang ang walaitong utang sa anumang bangko.
Umabot
na rin sa mahigit P100-Milyon ang ari-arian ng SPMPC bukod pa sa patuloy ang
paglago ng mga negosyong pag-aari nitotulad Gerry Grill Restaurant at
proyektong pabahay.
Ayon
kay Ed Camua, tagapangulong SPMPC, inaasahang madodobleang kasapi ng kooperaba
sa susunod na taon.
Ito
ay dahil sa patuloy na pagbubukas ng sangay ng SPMPC saibat-ibang bayan sa apat
na distrito ng lalawigan.
“Posibleng
umabot sa 3,300 ang kasaping depositors ng SPMPC sa 2015 dahil patuloy ang
maayos na operasyon nito,bukod sawalang utang sa bangko,”ani Camua.
Sa
kasalukuyan, umaabot na sa 1,600 ang kasapi ng SPMPCbukod pa sa mga savings at
time depositors.
Kasabay
ng paglago ng Kooperatiba, ang pagkakaroon ng iba’t-ibang negosyo tulad ng
Gerry’s Grill sa Robinsons Place sa na ito, mga pabahay para sa mga kasapi sa
murang halaga upang magkaroon sila ng sariling bahay, at mga serbisyo na
nakapagbibigay ginhawa sa mga kasapi tulad ng Bayad Center, Western Union,
Airline Ticketing, Loan and Credit sa mababang patubo.
Sa
huling Financial Statement, ang SPMPC ay mayroon ng P100-M halaga ng mga
ari-arian at nananatiling walang anumang pagkakautang sa alin mang commercial banks
at sa iba pang malalaking kooperatiba.
Ayon
naman kay Malu Bartolome, manager ng SPMPC, ang kooperatiba ay kabilang sa
Ginintuang Huwarang Kooperatiba sa Lalawigan ng Bulacan at sa Cooperative Hall
of Fame League na pinili ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, isang samahan
ng mga milyonaryo at matatagumpay ng Kooperatiba sa lalawigan.
Kasapi rin ang SPMPC ng Malolos Cooperative
Development Council (MCDC) at sa Central
Luzon Region League (CLRL) sa Gitnang Luzon.
Ang
SPMPC ay nagsimula noong 1992 sa pamamagitan ng 20 magsasaka sa barangay San
Pablo na nagkaisang magtayo ng kooperatiba.
Mula noonhanggang sa
kasalukuyan nagpatuloy ang paglago ng kasapian nito, maging mga ari-arian. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment