Ang crane on barge na ito ay ginagamit ng mga namamalaisdaan sa paghukay sa ilog at pagtatambak sa pilapil. |
BUSTOS,
Bulacan—Habang nalalapit ang tag-araw, ipinaalalani Bulacan Gob. Wilhelmino
Alvarado sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na simulan ang
paghuhukay sa kailugan sa Gitnang Luzon.
Kaugnay
nito, muli niyang iginiit ang mabilisang pagbuhay sa Pampanga River Control
System (PRCS), ang dibisyon DPWH na dating namamahala sa pagpapalalimat
pagmamantine sa kailugan ng rehiyon.
“Ngayon
ang tamang panahon ng pagpapalalim sa mga ilog dahil tag-araw na,” sabi ni
Alvarado sa isang panayam bago simulan ang inagurasyon ng Plaridel-Bustos
bypass road project sa bayang ito noong Marso 1.
Sa
nabanggit na panayam, nagpahayag ang gobernador ng pangamba na ang patuloy na
pag-unlad ng mga lalawigan sa rehiyon ay maaaring mabalam at masayang kung
hindi kikilos ang DPWH.
Ito
ay dahil sa nagdaang apat na taon at tatlong beses na lumubog sa baha ang mga
lalawigan sa rehiyon partikular na ang Bulacan.
Sa
mga nasabing pagbaha na naganap noong 2009, 2011 at 2012, bilyon-bilyong piso
ang naitalang pinsala sa mga ari-arian, imprastraktura, pananim, negosyo bukod
pa samga buhay na nasawi.
“Dapat
bigyang priority ang dredging ng ilog dahil kapag tag-ulan ay nagsisiapaw ay
napipinasala ang marami, pagkatapos back to zero na naman tayo,” sabi ni
Alvarado.
Iginiit
din niya ang muling pagbuhay sa PRCS na siyang dating namamahala sa paghuhukay
ng mga kailugan at saopa sa rehiyon.
Ayon
kay Inhinyero Jose Gabriel, dating kawani ng PRCS, ang kanilang tanggapan ay
dating nakabase sa bayan ng Apalit sa Pampanga.
Ngunit
ito ay isinara at inilipat sa pangrehiyong tanggapan ng DPWH sa Lungsod ng San
Fernando, Pampanga.
Maging
mga tauhan ng dating PRCS ay inilapat sa ibat-ibang sangay ng DPWH at ayon kay
Gabriel ay isana lamang itong maliit na dibisyon na ang trabaho ay halos
pag-iingat na lamang ng mga dokumento.
Ayon
naman kay Alvarado,sa panahon ng pamamahala ng PRCS samga kailugan, ito ang
namamahala samga kagamitan katulad ng mga drag na ang ilang na dating
nakahimpil sa kahabaan ng Labangan Channel sa Hagonoy.
Ngunit
ang mga nasabing draga ay inilipat at ginamit sa paghuhukay ng kailugan sa
Pampanga matapos pumutok ang bulkang Pinatubo noong 1991.
Ang
mga nasabing draga ay nasira at hindi na naibalik sa Bulacan kaya’t lumalabas
na mahigit 20 taon nang hindi nahuhukay ang mga ilog sa Bulacan,
“Mahigit
ng 20 years na hindi name-maintain ang paghuhukay sa kailugan natin kaya
bumabaw at kapag tag-ulan ay madaling umapay, dahil yung draga na gunagamit sa
maintenance ay nasira sa Pampanga aty hindi na naibalik,” ani Alvarado.
Sa
panayam, tinanong din si Alvarado kung alin ang mga ilog sa lalawigan ng
Bulacan na dapat unahin.
Tinugon
niya ito na ng “lahat”, dahil daw sa kawalan ang regular na paghuhukay.
Gayunpaman,
tinukoy ni Alvarado na ang mga pangunahing Ilog ng Angat, Guiguinto, Balagtas,
Bocaue, Marilao-Meycauayan na pawang dumadaloyu
patungo sa Manila Bay ang dapat unahin.
Iginiit
niya na dahil mababaw na kailugan, dumadalas ang malawakang pagbaha sa
Bulacan na pumipinsala sa mga ari-arian,
imprastraktura at pananim. Dino
Balabo