N4 building sa Cabanas garden mall |
MALOLOS—Daan-daang
trabao ang inaasahang malilikha ng call center na planong buksan sa bagong
gusali ng Cabanas garden mall sa lungsod na ito na pinasinayaan noong Pebrero
21.
Ang
konstruksyon ng may apat na palapag na gusali ay pinangunahan ng Dona Rita
Realty Corporation (DRRC) ay matatagpuan sa bakuran ng Cabanas garden mall,
isang pangunahing community center sa lungsod na ito.
Ito
ay tinawag na North Wing 4 (N4) building.
Ayon
kay Victoria Santiago-Bustos, tagapangulo ng DRRC, ang N4 ayinaasahan magiging
tahanan ng mga call center at iba pang
mga establisimyento katulad ng mga bangko at ibang tanggapan.
“Ang
plano dito ay tatlong palapag lang, pero ng makita ng ibang businessmen,
hiniling nila na taasan para magamit yung upper floors sa call center
operations,” ani Santiago-Bustos, isa sa 10 supling nina Donato at Rita
Santiago na nagtayo ng kilalang Bulacan Garden Corporation (BGC).
“Tiyak
na maraming trabaho ang malilikha dito, it will easily generate hundreds of
jobs,” ani Gob. Wilhelmino Alvarado matapos pangunahan ang pasinaya sa N4.
Pinangunahan ni Gob. Alvarado and pagpapasinaya sa N4 Building. |
Iginiit pa ng punoing lalawigan na dahil sa patuloy ang paglobo ng populasyon ng Bulacan, higit na kailangan ang dagdag na trabaho.
Dahil
dito, hinikayat niya ang mga negosyanteng Bulakenyo na tularan ang halimbawa ng
DRRC at ng BGC na nagsimula ng operasyon noong dekada 50.
Ayon kay Alvarado, kahanga-hanga ang DRRC at ang BGC dahil sa patuloy na pamumuhunan ng mga ito sa lalawigan na nagsisilbing dahilan upang makalikha ng mas maraming trabaho.
“Itong
Bulacan garden at Dona Rita Realty, they are catalyst for development sa
Bulacan,” sabi ng pubong lalawigan.
Ito
ay dahil sa mga negosyong itinayo ng pamilya Santiago ay karaniwang matatagpuan
sa Bulacan.
Kabilang
dito ang Green Plains Subdivision, Garden Ville Subdivision, Golden Ville
Subsibivision at ang Cabanas Garden Mall.
Bukod
dito, ang mga kaanak ng mga Santiago ang nagtayo at kasalukuyang namamahala sa
DJ Paradise Hotel and Resort sa lungsod na ito.
“Biyaya sa Bulacan ang Bulacan Garden, kahit saan sila magpunta ay sumusunod ang kaunlaran,” sabi ni Alvarado.
Ilan
sa mga patunay ay ang BGC na nakahikayat sa maraming resident eng Hagonoy na
magtanim ng halaman hanggang sa magsilipat sa bayan ng Guiguinto kung saan ay
naging pundasyon ng industriya ng paghahalaman sa nasabing bayan.
Bukod
rito, ang mga lupaing pinatayuan ng mga subdivision ng Pamilya Santiago ay mga
dating bukirin na hindi napagtataniman ng palay.
Ayon
kay Fely Santiago-Rodrigo, bise presidente ng DRRC, ang patuloy nilang
pamumuhunan sa lalawigan ay bilang tugon at pagtupad sa hangarin ng kanilang
yumaong ama.
“Pinayuhan
kami ng ama naming na kung magnenegosyo kami ay unahin dito sa Bulacan para
makatulong sa kapwa Bulakenyo,” ani Santiago-Rodrigo.
Ipinaliwanag
niya na ang iyon din ang layunin ng kanilang magulang ng simulan ng BGC noong
dekada 50.
“May
pagkakataon noon na marami kaming halam, tapos may magdadala ng isang bangkang
halaman, pinababayaran agad ni ina kahit hindi pa namin kailangan, kasi yung
nagbebenta ay nangangailangan na ng pera sa anak na pinag-aaral,” aniya.
Idinagdag
pa niya ang prinsipyo ng kaniyang mga magulang sa pagnenegosyo na ngayon bahagi
na rin ang misyon ng DRRC.
“Ipinamulat
nila sa amin na bilang tao, stewards lang kami ng biyaya, at ang pangunahing
layunin ng pagnenegosyo ay hindi para magkamal ng salapi kungdi upang
makatulong sa kapwa,” ni Santiago-Rodrigo.
Dino Balabo
When is the expected finish date of this establishment? I'm excited to work here.
ReplyDelete