Ambrosio Cruz, dating kargador sa Divisoria |
MALOLOS—Pinangunahan
ng isang dating kargador sa Divisoria na nanguna rin sa pagbabago sa bayan ng
Guiguinto ang 10 natatanging negosyante sa Bulacan sa taong 2012.
Ang
parangal na ipinagkaloob ng Bulacan Chamber of Commerce and Industry (BCCI) sa
Hiyas ng Bulacan Convention Center noong Pebrero 26 ay tinawag na 2012 Most
Outstanding Bulacan Businessman (MOBB) awards.
Ang
mga tumanggap ng parangal ay sina Ambrosio Cruz Jr., dating alkalde ng Guiguinto, Bienvenido Cruz Jr., Ihinyero
Francis Miguel, Marcelino Garcia Jr., Leonardo Cruz Jr., Gina Estrella, Elvira Dela Rosa, Ervine
Pangwi at sina Ramon at Maura Manuel.
Ayon kay Gigi Simbulan, pangulo ng BCCI,ang 10
natatanging negosyante ay napili bilang “emerging business champions” ng
Bulacan.
“All
of them are champions, they are now only successful, they are leading,
empowering and inspiring,” ani Simbulan at iginiit ang pagtitiyaga ng mga
nasabing negsoyante sa pagsisimula ng kanilang karera.
Inihalimbawa
niya si dating Mayor Cruz na nagtrabaho bilang kargador sa Divisoria habang
nag-aaral sa high school hanggang kolehiyo.
Pagkatapos
ng kolehiyo sa University of the East, si Cruz
ay nagtrabaho bilang assistance chief accountant, pagkatapos ay lumpiat
sa Pilipinas Shell Petroleum Corporation noong 1971 kung saan ay nagsilbi siya
bilang district manager.
Makalipas ang 10 taon sa Pilipinas Shell,
nagbitiw si Cruz at nagtayo ng sariling negosyo at nagbalik sa Guiguinto
hanggang mahalal na alkalde noong 1998.
Sa
kanyang pagkakahalal, agad na pinasimulan ni Cruz ang pagbabago ng Guiguinto
mula sa isang ika-apat na klaseng bayan ay naging primera klase.
Ngunit
bago tuluyang pumasok sa pulitika ay sinimula ni Cruz ang pagtatayo ng isang
residential subdivision sa barangay Sta. Rita noong 1992.
Sa
panig naman ni Bienvenido Cruz, nagsimula siyang mamuhunan samga prangkisa
noong 2005 matapos ang pitong pagtatrabaho sa ibayong dagat.
Matapos
ang isang taon sa negosyo ng prangkisa, minabuti ni Bienvenido na itayo ang
kanyang sariling prangkisa na tinawag na “Lugaw Republic,” na kilala rin bilang “Pambansang Lugaw.”
Ang
Lugaw Republic ay napili bilang Most Outstanding Food Franchise sa pagsasagawa
ng 2011 Top Brand awards.
Sa kasalukuyan,ang Lugaw Republic ay mat 128
sangay sa Luzon kung saan ay 12 sa mga ito ang pinamamahalaan ng pamilya ni
Bienvenido Cruz.
Bukod
kina Mayor Cruz at Bienvenido,ipinagmalaki rin Simbulan ang iba pang tumanggap
ng 2012 MOBB award.
Hinggil
kay Miguel,sinabi ni Simbulan na nagtapos ang negosyante ng Computer
Engineering mula sa Adamson University at nagtrabaho sa mga higanteng telecommunications
company sa bansa.
Noong
2005, nagsimula siyang magnegosyo sa multi-level marketing, na sinundan ng
pagtatayo ng networking marketing company na Alliance in Motion Global Inc,
(AIM) Global.
Nagtuloy-tuloy
ang tagumpay ng AIM Global at bilang patunay, umabot sa P1.3-Bilyon ang
kanilanmg kinita noong 2011, na higit pang tumaas at umabot sa P1.7-B noong
2012.
Sa
kabilang dako, nagnegosyo naman si Garcia sa pamamagitan nvg pagpapadala ng mga
trbahador sa ibayong dagat matapos ang matagumpay na negosyo sa
liquefied
petroleum gas (LPG).
Ngunit
nagdugo ang kanyang puso ng makita ang naging kalagayan ng mga kababayang
naipit sakaguluhan sa Gitnang Silangan partikular na Lebanon.
Dahil
dito, isinara niya ang kanyang manpower recruitment agency at noong 2004 ay
tinipon niya ang kanyang impok at ginamit na puhunan sa pagtatauo ng apat na
prangkisang Mini-Stop sa Bulacan, samantalang pinalalawak niya ang kanyang
negosyo sa LPG.
Ma-drama
naman ang naging buhay ni Estrella na naulila saama sa batang edad ngunit
itinaguyod ng kanyang inang hindi nakapag-aral.
Sa
kabilanito, sinikap ni Estrella na matapos ng kolehiyo hanggang makapagtrabaho
sa Taiwan sa tulong ng kanyang nobyo.
Makalipas
ang ilang taon, nagtayo si Estrella at kanyang nobyo ng negosyo sa Greenhils,
ngunit nagbiro ng tadhana at dalawang beses silang nabiktima ng mga magnanakaw.
Dahil
dito, nagbalik sa Bayan ng balagtas si Estrellaat matiygang sinimulan hanggang
maitayo’t magtagumpay ang kanyang merchandising business.
Ayon
kay Simbulan,ang buhay ni Estrella ay parang teleserye sa telebisyon.
Gayundin
ang naging buhay nina Leonardo Cruz Jr., ng Sta. Maria na nagtimpla at
nagtaguyo ng Hagibis EF, isang popular na bitamina gamit s amga panabong na
manok; Elvira Dela Rosa ng Mavis Bakery sa Plaridel; Ervine Pangwi ng Santino Metal Industries sa
Lungsod ng San Jose Del Monte; at nina Ramon at Maura Manuel ng Earjon Garments
ng Baliwag na direktang nagbebenta ng mga damit pambata sa Canada Estados
Unidos. Dino Balabo
No comments:
Post a Comment