Philippine Arean ng INC na kasalukuyang itinatayo sa Bocaue. |
MALOLOS—Naghahanda
na ang Bulacan sa mas mabilis na industrialisasyon na tatampukan ng sentenaryo
ng Iglesia Ni Cristo (INC) at posibleng pagsasagawa sa lalawigan ng Asia
Pacific Economic Conference (APEC) sa 2015.
Bilang
bahagi ng paghahanda, ikinakasa ng kapitolyo ang paglulunsad ng Provincial
Physical Framework Plan (PPFP) sa Marso 8 na unang itinakda noong Marso 1
ngunit hindi natuloy.
Ayon
kay Gob. Wilhelmino Alvarado, ang PPFP ay magsisilbing gabay at batayan ng
balanse at mabilis na industrialisasyon sa lalawigan.
“Hindi
na makakaiwas sa kaunlaran ang Bulacan, everybody is looking to the north at
ang Bulacan ang magsisilbing gateway to the north,” sabi ng punong lalawigan sa
kanyang lingguhang palatuntunan sa Radyo Bulacan noong Sabado, Pebrero 23.
Nagpahayag
siya ng pag-asa na mararamdaman ang higit na kaunlaran sa lalawigan simula sa
taong ito.
Ito
ay dahil sa susunod na taon ay pasisinayaan ang Philippine Arena ng Iglesia Ni
Cristo sa bahagi ng Bocaue at Sta. Maria kaugnay ng pagdiriwang nito ng ika-100
anibersaryo ng pagkakatatag.
Sa
kasalukuyan ang Philippine Arena na sinasabing magiging pinakamalaking dome
shaped arena sa mundo at patuloy na na tinatapos, kasabay ng iba pang
pasilidad.
Ayon
kay Alvarado, bukod sa malaking ospital, sports complex at malaking
pamanatasan, ang paligid ng Philippine Arena ay magkakaroon din ng mga
entertainment centers at mga hotel.
Sa kasalukuyan, sinabi ng gobernador na nagsisimula na ang pagtatayo ng mga pabahay o residential subdivision sa paligid ng Philippine Arena.
Ang
mga nasabing pabahay ay inasahang ookupahin ng mga kasapi ng INC na lalahok sa
sentenaryo sa susunod na taon.
“Last
year, ang presyo ng lupa sa area ng Bocaue ay P300 per square meter, pero
ngayon ay nasa P7,000 na ay wala pang mabili,” sabi ni Alvarado at iginiit
namaraming kasapi ng ng INC na nasa
ibayong dagat ang nais magkaroon ng bahay di kalayuan sa itinatayong Philippine
Arena.
Bukod
sa sentenaryo ng INC, sinabi ng ng gobernador na malaki ang psobilidad na ang
maging bahagi ang mga pasilidad nito sa pagsasagawang APEC sa 2015 sa
Pilipinas.
“There is a high probability na doon isagawa ang APEC kasi bay 2015 tapos na ang pasilidad ng Philippine Arena,” ani Alvarado.
Kaugnay
nito, tiniyak ni Alvarado na magiging balanse ang pagpapaunlad ng Bulacan.
Ito
ay sa pamamagitan ng pagbuo ng PPFP na magsisilbing gabay samga proyektiong
pangkaunlaran.
Ang PPFP ay pinlano ng kapitolyo na ilunsad noong Marso 1 ngunit hindi natuloy dahil sa araw na iyon ay pinasinayaan ni Pangulong Aquino ang Plaridel-Bustos Bypass road at ang tulay sa kahabaan ng MacArthur Highway sa bayan ng Bocaue.
Ayon
kina Provincial Administrator Jim Valerio at Bokal Michael Fermin, ang
paglulunsad ay isasagawa sa Marso 8.
Bilang
batayan ng kaunlaran sa lalawigan, ang PPFP ay nakabatay naman sa karanasan sa
kaunlaran ng Shenzhen sa Tsina.
Ayon
kay Alvarado, maraming pagkakatuload ng Bulacan at ang Shenzhen.
Ang
Bulacan ay nasa hilaga ng Maynila at ang Shenzhen ay nasa hilaga naman ng
Hongkong.
Katulad
ng Bulacan ang Shenzhen ay may bahagi na kabundukan, kapatagan at baybaying
dagat.
Ang kaunlaran ng Shenzhen ay batay sa planong
binuo ng dating Chinese Leader na si Deng Xiaoping.
Batay
dokumentong naipon ng Mabuhay, ang Shenzhen ay isang mahirap na bayan noong
1979 na may 30,000 populasyon.
Ngayon,
ito ay isang maunlad na lungsod ng may 14.5-M katao.
Ayon
pa sa mga tala, ang Shenzhen ay isa sa pinakamatagumapay na economic zones sa
mundo ay isa sa mga lungsod sa mundo na may pinakamataas na Gross Domestic
Product (GDP) per capita.
Ayon
kay Alvarado, kung ang mabilis na kaunlaran sa Shenzhen ay nagawa sa loob ng 30
taon, ito ay posibleng magawa sa Bulacan sa loob ng 10 hanggang 15 taon.
Ito
ay dahil sa makabagong teknolohiya na magagmit sa konstruksyon ng mga mga
imprastraktura ngayon kumpara noong dekada 70.
Dino Balabo
No comments:
Post a Comment