Monday, April 30, 2012

Labor Day job fair ngayon sa Bulacan




LUNGSOD NG MALOLOS— Mas magandang oportunidad ang naghihintas sa mga bagong graduate at mga umaasang magkatrabaho sa inihandang Job Fair ng  Department of Labor and Employment (DOLE) sa pakikipatulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado.

Ayon kay Alvarado, ito ay gaganapin sa SM Event’s Center sa Baliwag at Marilao kaalinsabay ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa o ‘Labor Day’ ngayong Mayo Uno.

Nabatid mula sa Provincial Youth, Sports, Employment, Arts, Culture, and Tourism Office na ang mga kumpanyang lalahok ay mula sa mga industriyang cyber services, banking and finance at service crew jobs. Ang mga job opportunity ay mula sa apat hanggang limang kumpanya para sa overseas employment at hindi bababa sa  20 para sa  lokal na trabaho.

Pinapayuhan ang mga aplikante na dalhin ang kumpletong dokumento na kailangan sa pag-aaplay ng trabaho tulad ng resume with pictures, certificate of trainings, atbp.

“For the jobseekers, don’t miss this event wherein you could be matched with productive opportunities as well as possibility to be hired on the spot,” dagdag pa ng punong lalawigan. 

Bago ito, nauna nang naiulat na sinabi ni DOLE Regional Director Raymundo G. Agravante na  mahigit 10,000 trabaho ang naghihintay sa mga jobseeker sa Gitnang Luzon at mayroon ding iba’t ibang benepisyaryo ng livelihood products  ang itatampok ng  DOLE Regional Office 3 sa  sabayang Job and Livelihood Fair na gaganapin sa iba’t ibang kilalang lugar  sa buong rehiyon.

Tuesday, April 3, 2012

High-tech van gamit ng DPWH sa pagtiyak ng ligtas na lansangan


Public Works Secretary Rogelio Singson kasama ang mga opisyal ng TRB, MNTC at Japanese embassy.

BALAGTAS, Bulacan—Upang matiyak ang kaligtasan sa lansangan, gumagamit ngayon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng isang van sa pagsusuri ng mga pambansang lansangan.

Ang nasabing van ay may nakakabit na laser sa ilalim, walong camera sa paligid at ilalim, bukod sa mga computers na ginagamit sa pag-iipon ng impormasyon at pagsusuri ng kalagayan ng mga lansangan sa bansa. Umabot na sa 3,000 kilometro ng pambansang lansangan ang nasuri ng nasabing van.

Ayon kay Kalihim Rogelio Singson ng DPWH, ang mga impormasyong maiipon ng van ay gagamitin ng pamahalaan sa susunod na taon para ikumpara ang kalagayan ng mga lansangan sa pamantayang gamit sa ibayoing dagat.

Ito, ayon sa kalihim ay isang hakbang upang mataas ang kalidad at antas ng kaligtasan sa mga lansangan sa bansa na bahagi ng kanilang safer road program.

“We are using a van equipped with laser technology, cameras anf computers to capture data on all national roads in the country,” ani Singson.

Kabilang sa mga impormasyong tinitipon ng van ay ang sukat ng lapad ng kalsada, sukat ng shoulder ng kalsada, maging ang sukat ng layo sa magkabilang gilid ng kalsada ng mga ng lane markings.

Bukod dito, nagtitipon din ng impormasyon ang van hinggil sa kinis ng kalsada at mga sagabal doon.

“This is our first step in adapting international standards on our national roads, and so that we can keep our roads safer,” ani ng kalihim sa panayam ng Mabuhay matapos ang pagpapasinaya sa Balagtas Interchange na matatagpuan sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) sa bahagai ng Barangay Borol 1st sa bayang ito noong Marso 20.

Bilang kalihim ng DPWH, inihayag ni Singson ang isang malungkot na kalagayang kaniyang natuklasan:  Hindi ligtas sa mga pedestrian ang mga lansangan sa bansa.

“We realized na gawa ng gawa ng kalye and DPWH without consideration to the safety of pedestrians,” aniya at sinabing maraming tao na ang namatay matapos nasagi ng sasakyan habang naglalakad sa kalsada.

Ang iba naman ay namatay kahit nasa gilid na ng kalsada o kaya ay nasa loob ng kanilang bahay sa nasa tabi ng lansangan.

Hindi rin inilihim na Singsod ang kadahilanan kung bakit sa gitng nagkalsada naglalakad ang maraming tao.

“Kadalasan ay gawa sa graba yung shoulder, kapag umulan ay may tubig o maputik, kaya sa gitna ng kalsada dumadaan ang mga tao.

“We are adopting new measures to improve safety of our national road, through the help of news technology,” ani Singson.

Sa kasalukuyan, sinabi niya na naghahanap pa sila ng dagdag na pondo para sa isa pang katulad na van na magagamit para sa mas mabilis na pag-iipon ng impormasyon at pagsusuri ng kalagayan ng mga kalsada.

Ang van na kasalukuyang ginagamit ng DPWH ay donasyon ng mga bansang South Korea at Japan, kabilang ang teknolohiyang gamit doon (Dino Balabo)

Mga higanteng pagawaing bayan sa Gitang Luzon, inilahad




BALAGTAS, Bulacan—Higit na kaunlarang ng Gitnang Luzon ang target ng mga higanteng proyekto na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos ilahad ang masterplan para sa mga proyektong pang-imprastraktura.

Kabilang dito ay ang pagsusudlong at pagpapalwak sa mga kasalukuyang lansangan, konstruksyong ng mga panibagong lansangan para sa mabilis na biyahe sa malalayong lugar, at proyektong pamilgi baha o flood control projects.

Ayon kay Kalihim Rogelio Singson ng DPWH, ilan sa mga higanteng proyektong pangimprastrkatura sa Gitang Luzon ay nasimulan, at ang iba pa at sisimulan sa susunod na taon, partikular na ang P12-Bilyong masterplan para sa turismo.

Pangunahin sa mga proyekto ng DPWH ay ang P29.2-B Central Luzon Link Expressway (CLLEx).

“Nakalinya na rin through the guidance and funding ng Jica ang Central Luzon Link Expressway (CLLEx),”  ani Singson patungkol sa 63.9 kilometrong expressway na popondohan ng Japan International Cooperation Agency (Jica).

Ang CLLEx ay magsasanga sa bahagi ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) sa bahagi ng La Paz, Tarlac, patungo sa mga Lungsod ng Cabanatuan at San Jose sa lalawigan ng Nueva Ecija sa silangang bahagi ng Gitnang Luzon.

Mula naman sa CLLEX, magsasanga ang Dalton Pass Alternative Road na patungo sa lalawigan ng Nueva Vizacaya hanggang Isabela at Cagayan.

“Hindi kasi pupuwede na umulan o lumindol lang ay close-open na yung Dalton Pass, we need an alternate route towards Region II,” ani ng kalihim at iginiit na ang Dalton Pass Alternative Road Project at bubutas sa mga bundok.

Ipinagmalaki niya na kapag natapos ang mga nasabing proyekto, higit na kaunlarang pang-ekonomiya ang ihahatid nito sa mga lalawigan sa silangang Luzon dahil mapapabilis ang pagbibiyahe ng mga produkto.

Sinabi pa niya na isusunod din nila sa CLLEX ang konstruksyon ng highway patungo sa lalawigan ng Aurora sa silangang bahagi ng Gitnang Luzon na nakaharap sa dagat Pacifico.

“Hopefully, maunpisahan na rin ang papuntang Aurora, we are completing the Baler-Casiguran Highway,” ani Singson.

Hinggil naman sa TPLEX, sinabi ng kalihim na matatapos na ang bahagi nito hanggang Gerona, Tarlac sa taong ito.

Nguniy binigyang diin niya na na tinawag na nila ang pansin ng kontraktor at proponent ng TPLEX na magsumite ng proposal para dagdagan pa ng dalawang lane ito.

“Hindi pwede yung two lanes lang, tapos salubungan pa, medyo delikado,” ani Singson.

Binanggit rin niya nagnakipagpulong na siya sa mga opisyal ng Department of Tourism para sa proyektong pang-imprastaraktura.

Ayon kay Singson, tinatapos na nila ang masterplan para sa P12-B tourism infrastusture support program na isasagawa sa susunod na taon. (Dino Balabo)