Tuesday, November 19, 2013

Drug store conference pangungunahan ni Alvarado

GUIGUINTO, Bulacan— Nakatakdang pangunahan ni Gob. Wilhelmino Alvarado ng Bulacan ang kauna- unahang kumperensiya ng mga namamahala sa mga botika sa Gitnang Luzon na isasagawa sa bayang ito sa Biyernes.

Ito ay ang 1st Central Luzon Business Conference na may temang “The Road to Compliance” na isasagawa sa St. Agatha Resort and Country Club sa Brgy. Sta. Rita ng bayang ito sa Nobyembre 22 at 23 sa pangunguna ng Drugstore Association of the Philippines (DSAP) Bulacan Chapter.

Ayon kay Jomar Quiroga, may ari ng MedicAsia Drugstore sa bayan ng Balagtas at tagapangulo ng kumperensiya, si Alvarado ang magsisilbing pangunahing tapagsalita sa nasabing kumperensiya.

“We just confirmed the governor will serve as our keynote speaker,” sabi ni Quiroga. Ipinaliwanag niya na layunin ng kumperensiya na mapag-isa ang mga namamahala sa mga botika sa Gitnang Luzon upang maisulong ang nagkakaisang tinig ng mga namamahala sa mga botika at mapataas ang antas ng serbisyo.

Ayon kay Quiroga, kabilang sa mga usapi tatalakayin ay ang mga bagong patakarang nais ipatupad ng Food and Drug Administration (FDA). “May mga batas na ipinatutupad ang FDA, pero hindi nakokonsulta ang mga drug store owners,” sabi ni Quiroga.

Iginiit pa niya na ang kumperensiya ay isa ring pagkakataon para sa pagpapalawak ng kaalaman sa pamamahala sa botika. Sinabi niya na hindi simple ang pagtatayo isang botika. Kabilang sa mga pangunahing kailangan ay ang pagkakaroon ng lisensyadong pharmacist sa bawat botika.

Inayunan din ito nina Beng Sandoval, Corazon Cataniag at Joy Argao, na pawang may sariling botika.

Ikinuwento nila na may mga tindahang nagbebenta ng gamot na hindi dapat basta ibenta. Ayon kina Sandoval at Cataniag, kung tutuusin, kahit mga gamot na walang reseta ay hindi pwedeng ibenta sa mga pangkaraniwang tindahan.

Ipinaliwanag naman ni Argao na lubhang kailangan ang isang lisensiyadong pharmacist sa pagbebenta ng gamot dahil may mga pagkakataon na ito ang nagbibigay ng payo sa bumibili ng gamot. Iginiit pa ni Argao na mahalaga ang paglahok sa kumperensiya dahil sa mga benepisyong hatid nito.

Kabilang dito ay ang pagsasagawa ng mga kasunod na pagsasanay hindi lamang para sa mga lisensiyadong pharmacist, kungdi para na rin sa mga pharmacy assistant.

Ang nasabing kumperensiya ay itinataguyod ng RiteMed,Unilab, Pharex, Procter and Gamble, DKT Philippines Inc., J. Chemie Laboratories,Inc., at PLDT Nation. Dino Balabo

‘Botika’ confab pangungunahan ni Alvarado

Saturday, November 9, 2013

1st Central Luzon Business Conference, isasagawa sa Bulacan

GUIGUINTO, Bulacan—Inaasahang aabot sa mahigit 300 katao ang lalahok sa kauna-unang pang-rehiyong kumperensiya ng mga botika sa Nobyembre 22 ahnggang 23.

Ito ay ang 1st Central Luzon Business Conference na isasagawa sa St. Agatha Resort and Country Club sa Barangay Sta. Rita ng bayang ito na pangungunahan ng Drugstore Association of the Philippines (DSAP) Bulacan Chapter.

Ayon kay Jomar Quiroga, may ari ng MedicAsia drugstore sa bayan ng Balagtas at tagapangulo ng kumperensiya, layunin nito na mapag-isa ang mga namamahala sa mga botika sa Gitnang Luzon.

Ito ay upang maisulong ang nagkakaisang tinig ng mga namamahala sa mga botika at mapataas ang antas ng serbisyo.

Ayon kay Quiroga, kabilang samga usapi na tatalakayin sa nasabing kumperensiya ay ang mga bagong patakarang nais ipatupad ng Food and Drug Administration (FDA).

“May mga batas na ipinatutupad ang FDA, pero hindi nakokonsulta ang mga drug store owners,” sabi ni Quiroga.

Iginiit pa niya na ang nang kumperensiya ay isa ring pagkakataon para sa pagpapalawak ng kaalaman sa pamamahala sa botika.

Sinabi niya na hindi simple ang pagtatayo isang botika.

Kabilang sa mga pangunahing kailangan ay ang pagkakaroon ng lisensyadong pharmacist sa bawat botika.

Inayunan din ito nina Beng Sandoval, Corazon Cataniag at Joy Argao, na pawang may sariling botika.

Ikinuwento nila na may mga tindahang nagbebenta ng gamot na hindi dapat basta ibenta.

Ayon kina Sandoval at Cataniag, kung tutuusin, kahit mga gamot na walang reseta  ay hindi pwedeng ibenta sa mga pangkaraniwang tindahan.

Ipinaliwanag naman ni Argao na lubhang kailangan ang isang lisensiyadong pharmacist sa pagbebenta ng gamot dahil may mga pagkakataon na ito ang nagbibigay ng payo sa bumibili ng gamot.

Iginiit pa ni Argao na mahalaga ang paglahok sa kumperensiya dahil sa mga benepisyong hatid nito.

Kabilang dito ay ang pagsasagawang mga kasunod na pagsasanay hindi lamang para sa mga lisensiyadong pharmacist, kungdi para na rin sa mga pharmacy assistant.

Ang nasabing kumperensiya ay itinataguyod ng RiteMed,Unilab, Pharex, Procter and Gamble, DKT Philippines Inc., J. Chemie Laboratories,Inc., at PLDT Nation.  Dino Balabo

Saturday, November 2, 2013

K-Water di intresado sa kikitaing pera sa ARHEPP

NORZAGARAY, Bulacan—Hindi pera ang pangunahing layunin ng Korea Water Resources Corporation (K-Water) sapagbili nito sa Angat River Hydro Electric Power Plant (ARHEPP).

Sa halip ay nais makatulong ng mga Koreano sa patuloy na pag-unlad ng bansa, ayonsa isang mataas na opisyal ng National Power Corporation (Nacopor) na namamahala sa ARHEPP.

Ang pahayag na ito ay inilabas ng opisyal ng Napocor samantalang nagmamadali ang k-Water sa paghahanda sa pagsisimula ng pormalnilang pamamahala sa ARHEPP bago matapos ang taon.

“Hindi intresado ang mga Koreanosa perang tutubuin sa operasyonng Arhepp,” sabi ni Inhinyero Rodolfo German, ang general manager ng nasabing planta.

 “Mas gusto da nila na makatulong sa pag-unladng Pilipinas,” dagdag pa ni German.

Bukod dito, sinabi niya na nais ng mga KOreano na higit na mapatibay ang diplomatikong pakikipag-relasyon sa bansa sa pamamagitanng paghahatid ng tulong.

Ang pahayag ni German ay bilang tugon sa katanungan ng Mabuhay hinggil sa posibilidad ng pagkalugi ng K-Water sa pagbili at pamamahala sa Arhepp.

Ang nasabing planta at may kakayahang lumikha ng 246 megawatt ng kuryente,kung ang lahat ng turbina nito ay umaandar.

Ngunit sa nagdaang halos 10 taon,hindi lahat ng tirbina ng Arhepp ay napaandar ng sabay-sabay.

Ito ay nangangahulugan na hindi nakalilikha ng 246 megawatt ng kuryente ang Arhepp.

Ito ay dahil sa ang mga turbina ng Arhepp ay pinatatakbo ng tubig na pinadadaloy mula sa Angat Dam patungo sa Ipo Dam na naghahatid ng tubig inumin sa kalakhang Maynila, at sa Bustos dam na naghahatid ng patubig sa may 26,000 ektaryang bukiruin sa Bulacan at Pampanga.

Sa mas naunang panayam naman ng Mabuhay kay Inhinyero Romulado Beltran,pinuno ng dams and management division ng Napocor, sinabi niya na hindi nila maaaring pagsabay-sabayin ang pagpapaandar sa kanilang mga turbina.

Ito ay dahil sa posibilidad na umapaw ang tubig sa kahabaan ng Angat River na magbununga ng pagbaha.

At dahil naman sa ang 97 poryentong tubig inumin ng kalakhang Maynila ay nagmumukla sa Angat Dam, may posibilidad na kapusin ito ng tubig sa panahin ng tag-araw kung mula Nobyembre hanggang Pebrero ay isasailalim sa full generating capacity ang Arhepp.

Ito ay dahil na rin sa mas maraming turbina ang pinaaandar, mas maraming tubig ang pinalalabas mula sa dam.

Hinggil naman sa napipintong pamamahala ng K-Water sa ARHEPP, sinabi ni German na nag-aapura na rin ang mga Koreano upang masimulan ang pamamahala.

Ito ay dahil sa isasailalim din ng K-Water sa rehabilitasyon ang powerplant ng Arhepp.

Ayon kay German,ang apat na pangunahing turbina ng ARHEPPay lumilikha ng tig 50 megawatts, kaya ito ay umaabot sa 200 megawatts.

Ngunit sa kasalukuyan, iisa sa mga nasabing turbine ang gumagana.

Dalawa sa mga ito ay isinasailalim sa pagkukumpuni, at isa ay hindi pinaaandar dahila ang transformer na pinadadaluyan nito ng kuryente ay hindi gumagana.

Bukod sa prehabilitasyon ng mga turbina, sinabi ni German na magbubuhos din ng pondo ang K-water para sa pagdadagdag ng mga makabagong instrumento.

”Halos 50years na yung mga equimpment at instruments naming, kailangan na talagang palitan,” sabi ni German.

Sa kabuuan,umabot sa $440.80-Milyon ang inilaan para sa pagbi-bid sa ARHEPP.

Hindi pa kasama sa nasabhing halaga ang gagastusin sa rehabilitasyon ng power plat at pagdadagdag ng instrumento. (Dino Balabo)

Tuesday, October 22, 2013

GK, solusyon sa pork barrel scam?

Gusali sa Enchanted Farm ng Gawad Kalinga sa Angat,Bulacan.

ANGAT, Bulacan—Maraming sakripisyo at hirap na pinagdaanan sa unang 10 taon ng Gawad Kalinga (GK) ang tagapagtatag nitong si Tony Meloto.

Ngunit may isang komento hindi niya makakalimutan kaugnay ng krisis sa pork barrel na kinasasangkutan ng mga senador at ni Janet Lim Napoles na sinasabing utak ng P10-Bilyong pagwawaladas sa salapi ng bayan.

“Sabi nila, Gawad kalinga ang antidote kay Napoles,” sabi ni Meloto habang nakangiti sa isang ekslusibong panayam ng Mabuhay noong Huwebes, Oktubre 3 sa bayang ito.

Si Meloto ay nasa bayang ito noong Huwebes kaugnay ng apat na araw na Social Business summit 2013 na nagsimula noong Miyekoles.

Ang nasabing pagtitipon ay isinagawa kaugnay ng ika-10 anibersaryo ng GK na ginanap sa Enchanted Farm ng GK na matatagpuan sa Barangay Encanto ng bayang ito.

Ayon kay Meloto, kung may naging kontribusyon man si Napoles sa bayan sa kasalukuyang panahon, ito ay ang dagdag na kaalalaman kung paano ginagamit ang daan-daang milyong pisong pork barrel fund ng mga senador at kongresista.

“Ngayon, mas aware ang taumbayan sa pork barrel dahil kay Napoles,” sabi niya.

Dahil dito, mas higit na nabibigyan pansin ng maraming Pilipino ang ginagawang pagtulong ng GK sa mga mahihirap.

Kabilang dito ay ang pagpapatayo ng mga pabahay, at paglikha ng hanapbuhay sa mga mamamayan.

Ngunit ang ginagawa ng GK ay taliwas sa pamamaraang ginagawa ng marami, partikular sa pork barrel na diumano ay ginagamit na pantulong sa taumbayan, ngunit ang pondo ay nagmumula sa gobyerno.

Ayon kay Meloto, ang GK ay hindi humingi ni isang kusing sa gobyerno upang maitaguyod ang mga programa at misyon nito.

“We never and we don’t ask money from the government,” aniya at iginiit na minsan ay naging pahayag ng dating Pangulo ng Estados Unidos na si John F. Kennedy.

Ayon kay Kenneddy, “don’t ask your country what your country can do for you, ask what you can do for your country.”

Sinabi ni Melotona ang prinsipyo ng pahayag ni Kennedy ay bahagi rin ng kanilang prinsipyo sa pagtulong sa kapwa.

Sa katunayan, sa loob ng unang 10 taon ng GK ay umabot sa mahigit 1-M kataoang kanilang natulungan, kasama ang mahigit 1-Milyong volunteers.

Bukod dito, lalo ring dumami ang tumutulong sa GK sa pagtataguyod ng mga palano at misyon nito.

Kabilang dito ay ibat-ibang malalaking kumpanya.

Para naman sa susunod na 10 ng GK, inihayag ni Meloto ang planong GK na makatulong sa 5-M katao.

“Hindi imposible yan, dahil marami at dumarami ang tumutulong sa atin,”sabi niya.

Iginiit niya na ang GK ay nagsisilbi ngayon na isang malawakang plataporma para sa pagkakaisa ng mga Pilipino.

“Mas nakikita ngayon ng marami lalo na ang mga mayayaman at makakapangyarihan na hindi pwedeng iwanan ang mahihirap,sa halip ay dapat tulungan,” aniya.

Isang halimbawa nito ay ang pagdalo nina Vice President Jejomar Binay, at Education Secretary Armin Luistro at ibapang mataas na opisyalat kilalang negosyante sa bansa at ibayaong dagat sa isinawagang Social Business Summit 2013.

“Kayang kaya, basta walang iwanan,” dagdag ni Meloto patungkol sa kanilang pangarap sa susunod na 10 taon.

Ngunit ang pananagumpay ay hindi nakamit ng madalian.

Sa panayam ng Mabuhay, nagbalik tanaw si Meloto sa mga hirap sakripisyo na pinagdaanan ng GK.

Isa sa mga ito ay ang kawalan ng paniniwala o pagdududa sa plano ng GK.

Ang kalagayang ito ay napagtagumpayan ni Meloto at mga kasama, ngunit hindi pa iyon ang pinakamasakit.

 “Masakit yung hindi sila naniniwala noon una, pero mas masakit yung iiwanan ka ng mga malalapit sa iyo,” aniya.

Ngunit hindi napigilan nito si Meloto at GK, Sa halip ay nagpursige sila at ipinagpaatuloy ang paniniwala.

Ito ay tinugon ng maraming biyaya at mas maraming tulong.

Sa kanyang paglalarawan, sinabi ni Meloto na ang ginawag ng GK ay isang “expression of love and faith in action.”

Iginiit niya na “kung mahal natin ang Diyos, dapat mahal din natin ang mahihirap at tulungan natin sila.” (Dino Balabo)