Tuesday, November 19, 2013

Drug store conference pangungunahan ni Alvarado

GUIGUINTO, Bulacan— Nakatakdang pangunahan ni Gob. Wilhelmino Alvarado ng Bulacan ang kauna- unahang kumperensiya ng mga namamahala sa mga botika sa Gitnang Luzon na isasagawa sa bayang ito sa Biyernes.

Ito ay ang 1st Central Luzon Business Conference na may temang “The Road to Compliance” na isasagawa sa St. Agatha Resort and Country Club sa Brgy. Sta. Rita ng bayang ito sa Nobyembre 22 at 23 sa pangunguna ng Drugstore Association of the Philippines (DSAP) Bulacan Chapter.

Ayon kay Jomar Quiroga, may ari ng MedicAsia Drugstore sa bayan ng Balagtas at tagapangulo ng kumperensiya, si Alvarado ang magsisilbing pangunahing tapagsalita sa nasabing kumperensiya.

“We just confirmed the governor will serve as our keynote speaker,” sabi ni Quiroga. Ipinaliwanag niya na layunin ng kumperensiya na mapag-isa ang mga namamahala sa mga botika sa Gitnang Luzon upang maisulong ang nagkakaisang tinig ng mga namamahala sa mga botika at mapataas ang antas ng serbisyo.

Ayon kay Quiroga, kabilang sa mga usapi tatalakayin ay ang mga bagong patakarang nais ipatupad ng Food and Drug Administration (FDA). “May mga batas na ipinatutupad ang FDA, pero hindi nakokonsulta ang mga drug store owners,” sabi ni Quiroga.

Iginiit pa niya na ang kumperensiya ay isa ring pagkakataon para sa pagpapalawak ng kaalaman sa pamamahala sa botika. Sinabi niya na hindi simple ang pagtatayo isang botika. Kabilang sa mga pangunahing kailangan ay ang pagkakaroon ng lisensyadong pharmacist sa bawat botika.

Inayunan din ito nina Beng Sandoval, Corazon Cataniag at Joy Argao, na pawang may sariling botika.

Ikinuwento nila na may mga tindahang nagbebenta ng gamot na hindi dapat basta ibenta. Ayon kina Sandoval at Cataniag, kung tutuusin, kahit mga gamot na walang reseta ay hindi pwedeng ibenta sa mga pangkaraniwang tindahan.

Ipinaliwanag naman ni Argao na lubhang kailangan ang isang lisensiyadong pharmacist sa pagbebenta ng gamot dahil may mga pagkakataon na ito ang nagbibigay ng payo sa bumibili ng gamot. Iginiit pa ni Argao na mahalaga ang paglahok sa kumperensiya dahil sa mga benepisyong hatid nito.

Kabilang dito ay ang pagsasagawa ng mga kasunod na pagsasanay hindi lamang para sa mga lisensiyadong pharmacist, kungdi para na rin sa mga pharmacy assistant.

Ang nasabing kumperensiya ay itinataguyod ng RiteMed,Unilab, Pharex, Procter and Gamble, DKT Philippines Inc., J. Chemie Laboratories,Inc., at PLDT Nation. Dino Balabo

‘Botika’ confab pangungunahan ni Alvarado

Saturday, November 9, 2013

1st Central Luzon Business Conference, isasagawa sa Bulacan

GUIGUINTO, Bulacan—Inaasahang aabot sa mahigit 300 katao ang lalahok sa kauna-unang pang-rehiyong kumperensiya ng mga botika sa Nobyembre 22 ahnggang 23.

Ito ay ang 1st Central Luzon Business Conference na isasagawa sa St. Agatha Resort and Country Club sa Barangay Sta. Rita ng bayang ito na pangungunahan ng Drugstore Association of the Philippines (DSAP) Bulacan Chapter.

Ayon kay Jomar Quiroga, may ari ng MedicAsia drugstore sa bayan ng Balagtas at tagapangulo ng kumperensiya, layunin nito na mapag-isa ang mga namamahala sa mga botika sa Gitnang Luzon.

Ito ay upang maisulong ang nagkakaisang tinig ng mga namamahala sa mga botika at mapataas ang antas ng serbisyo.

Ayon kay Quiroga, kabilang samga usapi na tatalakayin sa nasabing kumperensiya ay ang mga bagong patakarang nais ipatupad ng Food and Drug Administration (FDA).

“May mga batas na ipinatutupad ang FDA, pero hindi nakokonsulta ang mga drug store owners,” sabi ni Quiroga.

Iginiit pa niya na ang nang kumperensiya ay isa ring pagkakataon para sa pagpapalawak ng kaalaman sa pamamahala sa botika.

Sinabi niya na hindi simple ang pagtatayo isang botika.

Kabilang sa mga pangunahing kailangan ay ang pagkakaroon ng lisensyadong pharmacist sa bawat botika.

Inayunan din ito nina Beng Sandoval, Corazon Cataniag at Joy Argao, na pawang may sariling botika.

Ikinuwento nila na may mga tindahang nagbebenta ng gamot na hindi dapat basta ibenta.

Ayon kina Sandoval at Cataniag, kung tutuusin, kahit mga gamot na walang reseta  ay hindi pwedeng ibenta sa mga pangkaraniwang tindahan.

Ipinaliwanag naman ni Argao na lubhang kailangan ang isang lisensiyadong pharmacist sa pagbebenta ng gamot dahil may mga pagkakataon na ito ang nagbibigay ng payo sa bumibili ng gamot.

Iginiit pa ni Argao na mahalaga ang paglahok sa kumperensiya dahil sa mga benepisyong hatid nito.

Kabilang dito ay ang pagsasagawang mga kasunod na pagsasanay hindi lamang para sa mga lisensiyadong pharmacist, kungdi para na rin sa mga pharmacy assistant.

Ang nasabing kumperensiya ay itinataguyod ng RiteMed,Unilab, Pharex, Procter and Gamble, DKT Philippines Inc., J. Chemie Laboratories,Inc., at PLDT Nation.  Dino Balabo

Saturday, November 2, 2013

K-Water di intresado sa kikitaing pera sa ARHEPP

NORZAGARAY, Bulacan—Hindi pera ang pangunahing layunin ng Korea Water Resources Corporation (K-Water) sapagbili nito sa Angat River Hydro Electric Power Plant (ARHEPP).

Sa halip ay nais makatulong ng mga Koreano sa patuloy na pag-unlad ng bansa, ayonsa isang mataas na opisyal ng National Power Corporation (Nacopor) na namamahala sa ARHEPP.

Ang pahayag na ito ay inilabas ng opisyal ng Napocor samantalang nagmamadali ang k-Water sa paghahanda sa pagsisimula ng pormalnilang pamamahala sa ARHEPP bago matapos ang taon.

“Hindi intresado ang mga Koreanosa perang tutubuin sa operasyonng Arhepp,” sabi ni Inhinyero Rodolfo German, ang general manager ng nasabing planta.

 “Mas gusto da nila na makatulong sa pag-unladng Pilipinas,” dagdag pa ni German.

Bukod dito, sinabi niya na nais ng mga KOreano na higit na mapatibay ang diplomatikong pakikipag-relasyon sa bansa sa pamamagitanng paghahatid ng tulong.

Ang pahayag ni German ay bilang tugon sa katanungan ng Mabuhay hinggil sa posibilidad ng pagkalugi ng K-Water sa pagbili at pamamahala sa Arhepp.

Ang nasabing planta at may kakayahang lumikha ng 246 megawatt ng kuryente,kung ang lahat ng turbina nito ay umaandar.

Ngunit sa nagdaang halos 10 taon,hindi lahat ng tirbina ng Arhepp ay napaandar ng sabay-sabay.

Ito ay nangangahulugan na hindi nakalilikha ng 246 megawatt ng kuryente ang Arhepp.

Ito ay dahil sa ang mga turbina ng Arhepp ay pinatatakbo ng tubig na pinadadaloy mula sa Angat Dam patungo sa Ipo Dam na naghahatid ng tubig inumin sa kalakhang Maynila, at sa Bustos dam na naghahatid ng patubig sa may 26,000 ektaryang bukiruin sa Bulacan at Pampanga.

Sa mas naunang panayam naman ng Mabuhay kay Inhinyero Romulado Beltran,pinuno ng dams and management division ng Napocor, sinabi niya na hindi nila maaaring pagsabay-sabayin ang pagpapaandar sa kanilang mga turbina.

Ito ay dahil sa posibilidad na umapaw ang tubig sa kahabaan ng Angat River na magbununga ng pagbaha.

At dahil naman sa ang 97 poryentong tubig inumin ng kalakhang Maynila ay nagmumukla sa Angat Dam, may posibilidad na kapusin ito ng tubig sa panahin ng tag-araw kung mula Nobyembre hanggang Pebrero ay isasailalim sa full generating capacity ang Arhepp.

Ito ay dahil na rin sa mas maraming turbina ang pinaaandar, mas maraming tubig ang pinalalabas mula sa dam.

Hinggil naman sa napipintong pamamahala ng K-Water sa ARHEPP, sinabi ni German na nag-aapura na rin ang mga Koreano upang masimulan ang pamamahala.

Ito ay dahil sa isasailalim din ng K-Water sa rehabilitasyon ang powerplant ng Arhepp.

Ayon kay German,ang apat na pangunahing turbina ng ARHEPPay lumilikha ng tig 50 megawatts, kaya ito ay umaabot sa 200 megawatts.

Ngunit sa kasalukuyan, iisa sa mga nasabing turbine ang gumagana.

Dalawa sa mga ito ay isinasailalim sa pagkukumpuni, at isa ay hindi pinaaandar dahila ang transformer na pinadadaluyan nito ng kuryente ay hindi gumagana.

Bukod sa prehabilitasyon ng mga turbina, sinabi ni German na magbubuhos din ng pondo ang K-water para sa pagdadagdag ng mga makabagong instrumento.

”Halos 50years na yung mga equimpment at instruments naming, kailangan na talagang palitan,” sabi ni German.

Sa kabuuan,umabot sa $440.80-Milyon ang inilaan para sa pagbi-bid sa ARHEPP.

Hindi pa kasama sa nasabhing halaga ang gagastusin sa rehabilitasyon ng power plat at pagdadagdag ng instrumento. (Dino Balabo)