Saturday, March 9, 2013

Kailugan sa Gitnang Luzon dapat hukayin ngayong tag-araw


Ang crane on barge na ito ay ginagamit ng mga namamalaisdaan sa paghukay sa ilog at pagtatambak sa pilapil.



BUSTOS, Bulacan—Habang nalalapit ang tag-araw, ipinaalalani Bulacan Gob. Wilhelmino Alvarado sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na simulan ang paghuhukay sa kailugan sa Gitnang Luzon.

Kaugnay nito, muli niyang iginiit ang mabilisang pagbuhay sa Pampanga River Control System (PRCS), ang dibisyon DPWH na dating namamahala sa pagpapalalimat pagmamantine sa kailugan ng rehiyon.

“Ngayon ang tamang panahon ng pagpapalalim sa mga ilog dahil tag-araw na,” sabi ni Alvarado sa isang panayam bago simulan ang inagurasyon ng Plaridel-Bustos bypass road project sa bayang ito noong Marso 1.

Sa nabanggit na panayam, nagpahayag ang gobernador ng pangamba na ang patuloy na pag-unlad ng mga lalawigan sa rehiyon ay maaaring mabalam at masayang kung hindi kikilos ang DPWH.

Ito ay dahil sa nagdaang apat na taon at tatlong beses na lumubog sa baha ang mga lalawigan sa rehiyon partikular na ang Bulacan.

Sa mga nasabing pagbaha na naganap noong 2009, 2011 at 2012, bilyon-bilyong piso ang naitalang pinsala sa mga ari-arian, imprastraktura, pananim, negosyo bukod pa samga buhay na nasawi.

“Dapat bigyang priority ang dredging ng ilog dahil kapag tag-ulan ay nagsisiapaw ay napipinasala ang marami, pagkatapos back to zero na naman tayo,” sabi ni Alvarado.

Iginiit din niya ang muling pagbuhay sa PRCS na siyang dating namamahala sa paghuhukay ng mga kailugan at saopa sa rehiyon.

Ayon kay Inhinyero Jose Gabriel, dating kawani ng PRCS, ang kanilang tanggapan ay dating nakabase sa bayan ng Apalit sa Pampanga.

Ngunit ito ay isinara at inilipat sa pangrehiyong tanggapan ng DPWH sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga.

Maging mga tauhan ng dating PRCS ay inilapat sa ibat-ibang sangay ng DPWH at ayon kay Gabriel ay isana lamang itong maliit na dibisyon na ang trabaho ay halos pag-iingat na lamang ng mga dokumento.

Ayon naman kay Alvarado,sa panahon ng pamamahala ng PRCS samga kailugan, ito ang namamahala samga kagamitan katulad ng mga drag na ang ilang na dating nakahimpil sa kahabaan ng Labangan Channel sa Hagonoy.

Ngunit ang mga nasabing draga ay inilipat at ginamit sa paghuhukay ng kailugan sa Pampanga matapos pumutok ang bulkang Pinatubo noong 1991.

Ang mga nasabing draga ay nasira at hindi na naibalik sa Bulacan kaya’t lumalabas na mahigit 20 taon nang hindi nahuhukay ang mga ilog sa Bulacan,

“Mahigit ng 20 years na hindi name-maintain ang paghuhukay sa kailugan natin kaya bumabaw at kapag tag-ulan ay madaling umapay, dahil yung draga na gunagamit sa maintenance ay nasira sa Pampanga aty hindi na naibalik,” ani Alvarado.

Sa panayam, tinanong din si Alvarado kung alin ang mga ilog sa lalawigan ng Bulacan na dapat unahin.

Tinugon niya ito na ng “lahat”, dahil daw sa kawalan ang regular na paghuhukay.

Gayunpaman, tinukoy ni Alvarado na ang mga pangunahing Ilog ng Angat, Guiguinto, Balagtas, Bocaue, Marilao-Meycauayan na pawang dumadaloyu  patungo sa Manila Bay ang dapat unahin.

Iginiit niya na dahil mababaw na kailugan, dumadalas ang malawakang pagbaha sa Bulacan  na pumipinsala sa mga ari-arian, imprastraktura at pananim.  Dino Balabo

Dating kargador nanguna sa 2012 MOBB awards



Ambrosio Cruz, dating kargador sa Divisoria


MALOLOS—Pinangunahan ng isang dating kargador sa Divisoria na nanguna rin sa pagbabago sa bayan ng Guiguinto ang 10 natatanging negosyante sa Bulacan sa taong 2012.

Ang parangal na ipinagkaloob ng Bulacan Chamber of Commerce and Industry (BCCI) sa Hiyas ng Bulacan Convention Center noong Pebrero 26 ay tinawag na 2012 Most Outstanding Bulacan Businessman (MOBB) awards.

Ang mga tumanggap ng parangal ay sina Ambrosio Cruz Jr., dating alkalde ng  Guiguinto, Bienvenido Cruz Jr., Ihinyero Francis Miguel, Marcelino Garcia Jr., Leonardo Cruz Jr.,  Gina Estrella, Elvira Dela Rosa, Ervine Pangwi at sina Ramon at Maura Manuel.

 Ayon kay Gigi Simbulan, pangulo ng BCCI,ang 10 natatanging negosyante ay napili bilang “emerging business champions” ng Bulacan.

“All of them are champions, they are now only successful, they are leading, empowering and inspiring,” ani Simbulan at iginiit ang pagtitiyaga ng mga nasabing negsoyante sa pagsisimula ng kanilang karera.

Inihalimbawa niya si dating Mayor Cruz na nagtrabaho bilang kargador sa Divisoria habang nag-aaral sa high school hanggang kolehiyo.

Pagkatapos ng kolehiyo sa University of the East, si Cruz  ay nagtrabaho bilang assistance chief accountant, pagkatapos ay lumpiat sa Pilipinas Shell Petroleum Corporation noong 1971 kung saan ay nagsilbi siya bilang district manager.

 Makalipas ang 10 taon sa Pilipinas Shell, nagbitiw si Cruz at nagtayo ng sariling negosyo at nagbalik sa Guiguinto hanggang mahalal na alkalde noong 1998.

Sa kanyang pagkakahalal, agad na pinasimulan ni Cruz ang pagbabago ng Guiguinto mula sa isang ika-apat na klaseng bayan ay naging primera klase.

Ngunit bago tuluyang pumasok sa pulitika ay sinimula ni Cruz ang pagtatayo ng isang residential subdivision sa barangay Sta. Rita noong 1992.

Sa panig naman ni Bienvenido Cruz, nagsimula siyang mamuhunan samga prangkisa noong 2005 matapos ang pitong pagtatrabaho sa ibayong dagat.

Matapos ang isang taon sa negosyo ng prangkisa, minabuti ni Bienvenido na itayo ang kanyang sariling prangkisa na tinawag na “Lugaw Republic,”  na kilala rin bilang “Pambansang  Lugaw.”

Ang Lugaw Republic ay napili bilang Most Outstanding Food Franchise sa pagsasagawa ng 2011 Top Brand awards.

 Sa kasalukuyan,ang Lugaw Republic ay mat 128 sangay sa Luzon kung saan ay 12 sa mga ito ang pinamamahalaan ng pamilya ni Bienvenido Cruz.

Bukod kina Mayor Cruz at Bienvenido,ipinagmalaki rin Simbulan ang iba pang tumanggap ng 2012 MOBB award.

Hinggil kay Miguel,sinabi ni Simbulan na nagtapos ang negosyante ng Computer Engineering mula sa Adamson University at nagtrabaho sa mga higanteng telecommunications company sa bansa.

Noong 2005, nagsimula siyang magnegosyo sa multi-level marketing, na sinundan ng pagtatayo ng networking marketing company na Alliance in Motion Global Inc, (AIM) Global.

Nagtuloy-tuloy ang tagumpay ng AIM Global at bilang patunay, umabot sa P1.3-Bilyon ang kanilanmg kinita noong 2011, na higit pang tumaas at umabot sa P1.7-B noong 2012.

Sa kabilang dako, nagnegosyo naman si Garcia sa pamamagitan nvg pagpapadala ng mga trbahador sa ibayong dagat matapos ang matagumpay na negosyo sa
liquefied petroleum gas (LPG).

Ngunit nagdugo ang kanyang puso ng makita ang naging kalagayan ng mga kababayang naipit sakaguluhan sa Gitnang Silangan partikular na Lebanon.

Dahil dito, isinara niya ang kanyang manpower recruitment agency at noong 2004 ay tinipon niya ang kanyang impok at ginamit na puhunan sa pagtatauo ng apat na prangkisang Mini-Stop sa Bulacan, samantalang pinalalawak niya ang kanyang negosyo sa LPG.

Ma-drama naman ang naging buhay ni Estrella na naulila saama sa batang edad ngunit itinaguyod ng kanyang inang hindi nakapag-aral.

Sa kabilanito, sinikap ni Estrella na matapos ng kolehiyo hanggang makapagtrabaho sa Taiwan sa tulong ng kanyang nobyo.

Makalipas ang ilang taon, nagtayo si Estrella at kanyang nobyo ng negosyo sa Greenhils, ngunit nagbiro ng tadhana at dalawang beses silang nabiktima ng mga magnanakaw.

Dahil dito, nagbalik sa Bayan ng balagtas si Estrellaat matiygang sinimulan hanggang maitayo’t magtagumpay ang kanyang merchandising business.

Ayon kay Simbulan,ang buhay ni Estrella ay parang teleserye sa telebisyon.

Gayundin ang naging buhay nina Leonardo Cruz Jr., ng Sta. Maria na nagtimpla at nagtaguyo ng Hagibis EF, isang popular na bitamina gamit s amga panabong na manok; Elvira Dela Rosa ng Mavis Bakery sa Plaridel;  Ervine Pangwi ng Santino Metal Industries sa Lungsod ng San Jose Del Monte; at nina Ramon at Maura Manuel ng Earjon Garments ng Baliwag na direktang nagbebenta ng mga damit pambata sa Canada Estados Unidos.   Dino Balabo

Saturday, March 2, 2013

INC centennial, 2015 APEC tampok sa rapid industrialization ng Bulacan

Philippine Arean ng INC na kasalukuyang itinatayo sa Bocaue.



MALOLOS—Naghahanda na ang Bulacan sa mas mabilis na industrialisasyon na tatampukan ng sentenaryo ng Iglesia Ni Cristo (INC) at posibleng pagsasagawa sa lalawigan ng Asia Pacific Economic Conference (APEC) sa 2015.

Bilang bahagi ng paghahanda, ikinakasa ng kapitolyo ang paglulunsad ng Provincial Physical Framework Plan (PPFP) sa Marso 8 na unang itinakda noong Marso 1 ngunit hindi natuloy.

Ayon kay Gob. Wilhelmino Alvarado, ang PPFP ay magsisilbing gabay at batayan ng balanse at mabilis na industrialisasyon sa lalawigan.

“Hindi na makakaiwas sa kaunlaran ang Bulacan, everybody is looking to the north at ang Bulacan ang magsisilbing gateway to the north,” sabi ng punong lalawigan sa kanyang lingguhang palatuntunan sa Radyo Bulacan noong Sabado, Pebrero 23.

Nagpahayag siya ng pag-asa na mararamdaman ang higit na kaunlaran sa lalawigan simula sa taong ito.

Ito ay dahil sa susunod na taon ay pasisinayaan ang Philippine Arena ng Iglesia Ni Cristo sa bahagi ng Bocaue at Sta. Maria kaugnay ng pagdiriwang nito ng ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag.

Sa kasalukuyan ang Philippine Arena na sinasabing magiging pinakamalaking dome shaped arena sa mundo at patuloy na na tinatapos, kasabay ng iba pang pasilidad.

Ayon kay Alvarado, bukod sa malaking ospital, sports complex at malaking pamanatasan, ang paligid ng Philippine Arena ay magkakaroon din ng mga entertainment centers at mga hotel.

Sa kasalukuyan, sinabi ng gobernador na nagsisimula na ang pagtatayo ng mga pabahay o residential subdivision sa paligid ng Philippine Arena.

Ang mga nasabing pabahay ay inasahang ookupahin ng mga kasapi ng INC na lalahok sa sentenaryo sa susunod na taon.

“Last year, ang presyo ng lupa sa area ng Bocaue ay P300 per square meter, pero ngayon ay nasa P7,000 na ay wala pang mabili,” sabi ni Alvarado at iginiit namaraming  kasapi ng ng INC na nasa ibayong dagat ang nais magkaroon ng bahay di kalayuan sa itinatayong Philippine Arena.

Bukod sa sentenaryo ng INC, sinabi ng ng gobernador na malaki ang psobilidad na ang maging bahagi ang mga pasilidad nito sa pagsasagawang APEC sa 2015 sa Pilipinas.

“There is a high probability na doon isagawa ang APEC kasi bay 2015 tapos na ang pasilidad ng Philippine Arena,” ani Alvarado.

Kaugnay nito, tiniyak ni Alvarado na magiging balanse ang pagpapaunlad ng Bulacan.

Ito ay sa pamamagitan ng pagbuo ng PPFP na magsisilbing gabay samga proyektiong pangkaunlaran.

Ang PPFP ay pinlano ng kapitolyo na ilunsad noong Marso 1 ngunit hindi natuloy dahil sa araw na iyon ay pinasinayaan ni Pangulong Aquino ang Plaridel-Bustos Bypass road at ang tulay sa kahabaan ng MacArthur Highway sa bayan ng Bocaue.

Ayon kina Provincial Administrator Jim Valerio at Bokal Michael Fermin, ang paglulunsad ay isasagawa sa Marso 8.

Bilang batayan ng kaunlaran sa lalawigan, ang PPFP ay nakabatay naman sa karanasan sa kaunlaran ng Shenzhen sa Tsina.

Ayon kay Alvarado, maraming pagkakatuload ng Bulacan at ang Shenzhen.

Ang Bulacan ay nasa hilaga ng Maynila at ang Shenzhen ay nasa hilaga naman ng Hongkong.

Katulad ng Bulacan ang Shenzhen ay may bahagi na kabundukan, kapatagan at baybaying dagat.

 Ang kaunlaran ng Shenzhen ay batay sa planong binuo ng dating Chinese Leader na si Deng Xiaoping.

Batay dokumentong naipon ng Mabuhay, ang Shenzhen ay isang mahirap na bayan noong 1979 na may 30,000 populasyon.

Ngayon, ito ay isang maunlad na lungsod ng may 14.5-M katao.

Ayon pa sa mga tala, ang Shenzhen ay isa sa pinakamatagumapay na economic zones sa mundo ay isa sa mga lungsod sa mundo na may pinakamataas na Gross Domestic Product (GDP) per capita.

Ayon kay Alvarado, kung ang mabilis na kaunlaran sa Shenzhen ay nagawa sa loob ng 30 taon, ito ay posibleng magawa sa Bulacan sa loob ng 10 hanggang 15 taon.

Ito ay dahil sa makabagong teknolohiya na magagmit sa konstruksyon ng mga mga imprastraktura ngayon kumpara noong dekada 70.  Dino Balabo

Daan-daang trabaho lilikhain ng call center sa Cabanas


N4 building sa Cabanas garden mall


 MALOLOS—Daan-daang trabao ang inaasahang malilikha ng call center na planong buksan sa bagong gusali ng Cabanas garden mall sa lungsod na ito na pinasinayaan noong Pebrero 21.

Ang konstruksyon ng may apat na palapag na gusali ay pinangunahan ng Dona Rita Realty Corporation (DRRC) ay matatagpuan sa bakuran ng Cabanas garden mall, isang pangunahing community center sa lungsod na ito.

Ito ay tinawag na North Wing 4 (N4) building.

Ayon kay Victoria Santiago-Bustos, tagapangulo ng DRRC, ang N4 ayinaasahan magiging tahanan ng mga call center at iba  pang mga establisimyento katulad ng mga bangko at ibang tanggapan.

“Ang plano dito ay tatlong palapag lang, pero ng makita ng ibang businessmen, hiniling nila na taasan para magamit yung upper floors sa call center operations,” ani Santiago-Bustos, isa sa 10 supling nina Donato at Rita Santiago na nagtayo ng kilalang Bulacan Garden Corporation (BGC).

“Tiyak na maraming trabaho ang malilikha dito, it will easily generate hundreds of jobs,” ani Gob. Wilhelmino Alvarado matapos pangunahan ang pasinaya sa N4.
Pinangunahan ni Gob. Alvarado and pagpapasinaya sa N4 Building.

Iginiit pa ng punoing lalawigan na dahil sa patuloy ang paglobo ng populasyon ng Bulacan, higit na kailangan ang dagdag na trabaho.

Dahil dito, hinikayat niya ang mga negosyanteng Bulakenyo na tularan ang halimbawa ng DRRC at ng BGC na nagsimula ng operasyon noong dekada 50.

Ayon kay Alvarado, kahanga-hanga ang DRRC at ang BGC dahil sa patuloy na pamumuhunan ng mga ito sa lalawigan na nagsisilbing dahilan upang makalikha ng mas maraming trabaho.

“Itong Bulacan garden at Dona Rita Realty, they are catalyst for development sa Bulacan,” sabi ng pubong lalawigan.

Ito ay dahil sa mga negosyong itinayo ng pamilya Santiago ay karaniwang matatagpuan sa Bulacan.

Kabilang dito ang Green Plains Subdivision, Garden Ville Subdivision, Golden Ville Subsibivision at ang Cabanas Garden Mall.

Bukod dito, ang mga kaanak ng mga Santiago ang nagtayo at kasalukuyang namamahala sa DJ Paradise Hotel and Resort sa lungsod na ito.

“Biyaya sa Bulacan ang Bulacan Garden, kahit saan sila magpunta ay sumusunod ang kaunlaran,” sabi ni Alvarado.

Ilan sa mga patunay ay ang BGC na nakahikayat sa maraming resident eng Hagonoy na magtanim ng halaman hanggang sa magsilipat sa bayan ng Guiguinto kung saan ay naging pundasyon ng industriya ng paghahalaman sa nasabing bayan.

Bukod rito, ang mga lupaing pinatayuan ng mga subdivision ng Pamilya Santiago ay mga dating bukirin na hindi napagtataniman ng palay.

Ayon kay Fely Santiago-Rodrigo, bise presidente ng DRRC, ang patuloy nilang pamumuhunan sa lalawigan ay bilang tugon at pagtupad sa hangarin ng kanilang yumaong ama.

“Pinayuhan kami ng ama naming na kung magnenegosyo kami ay unahin dito sa Bulacan para makatulong sa kapwa Bulakenyo,” ani Santiago-Rodrigo.

Ipinaliwanag niya na ang iyon din ang layunin ng kanilang magulang ng simulan ng BGC noong dekada 50.

“May pagkakataon noon na marami kaming halam, tapos may magdadala ng isang bangkang halaman, pinababayaran agad ni ina kahit hindi pa namin kailangan, kasi yung nagbebenta ay nangangailangan na ng pera sa anak na pinag-aaral,” aniya.

Idinagdag pa niya ang prinsipyo ng kaniyang mga magulang sa pagnenegosyo na ngayon bahagi na rin ang misyon ng DRRC.

“Ipinamulat nila sa amin na bilang tao, stewards lang kami ng biyaya, at ang pangunahing layunin ng pagnenegosyo ay hindi para magkamal ng salapi kungdi upang makatulong sa kapwa,” ni Santiago-Rodrigo.  Dino Balabo