Saturday, October 13, 2012

Antala sa implementasyon ng NorthRail, antala sa kaunlaran



MALOLOS—Ikinalungkot ng mga opisyal sa Bulacan ang pagkaantala ng Proyektong NorthRail at sinabing makakapekto ito sa inaasahang kaunlaran ng lalawigan

Kaugnay nito, inihayag ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang planong paghahain ng ng kontrobersyal na proyekto sa internation arbitration court upang matukoy ang babayarang utang sa Tsina.

Ngunit nagpahayag din ang abogado na walang dapat bayaran sa Tsina ang bansa dahil illegal ang kontrata sa proyekto.

Ayon kay Mayor Christian Natividad ng lungsod ng ito, marami ang umasa sa proyektong NorthRail.

Ito ang dahilan ng mabilis na pagdami ng mga negosyo at iba pang establisimyento sa lungsod at mga karatig bayan partikular na sa mga lugar kung saan may itatayong terminal.

“Hangga’t naaantala ang NorthRail, naaantala rin ang inaasahang kaunlaran ng Malolos,” ani Natividad sa isang panayam ng Radyo Bulacan.

Nilinaw niya na maraming negosyante sa lalawigan ang nag-aabang para sa implementasyon ng Nortrail na ang unang bahagio ay mag-uugnay sa lungsod naito at Lungsod ng Kalooka.

Ang ikalawang bahagi ng proyekto ay mag-uugnay naman sa lungsod ito at sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.

Bukod sa mga negosyante, sinabi ni Natividad na libo-libong Bulakenyo rin ang umaasa sa NorthRail.

Ito ay para sa mabilis na biyahe patungo sa Maynila o kaya sa Pampanga.

Inayunan din ito ng negosyanteng si Ambrosio Cruz, ang dating alkalde ng Guiguinto.

Sinabi ni Cruz na nakalulungkot tingnan ang mga Bulakenyong nakahanay sa kahabaan ng macArthur Highway tuwing umaga habang naghinitay ng masasakyang bus o FX taxi na maghahatid sa kanila sa kalakhang Maynila.

Bilang dating alkalde ng Guiguinto, sinabi ni Cruz na agad silang kumilos noong 2004 hanggang 2005 upang mailipat ang mga iskwater sa mga resettlement site.

Ito ay upang bigyang daan ang mabilis na konstruksyon o implementasyon ng proyekto.

Ngunit anim na taon ang nagdaan, wala pa ring nangyayari sa proyekto at ang kontrata nito sa Tsina ay kinansela.

Katulad ng naunang pahayag ni Cruz, sinabi ng Bulacan Chamber of Commerce and Industry (BCCI) na higit na kaunlaran ang inaasahang ihahatid ng NorthRail sa Bulacan.

Binigyang diin nila na magsisilbing “instant growth areas:” ang mga lugar kung saan magtatayo ng terminal o istasyon ang NorthRail sa Lalawigan.

Ayon kay Mara Bautista, consultant ng BCCI, ang pagkakaroon instant growth areas sa lalawigan ay hindi imposible.

Ipinaliwanag niya na ang mga ganitong karanasan ay nakita nila sa Japan at iba pang bansa may serbisyo ng tren.

Ito ay dahil sa maraming taon ang dumadaan sa istasyon at ang mga ito ay napapaligiran ng sari-saring negosyo tulad ng mga tindahan.

“we have to understand, parang magnet ang mga tao, kung saan marami ang dumadaan at nagtitipon, sumusunod ang mga negosyante,” ani Bautista.

Friday, October 12, 2012

3-day Building expo isasagawa sa Bulacan



LUNGSOD NG MALOLOS- Pangungunahan ng Bulacan Chamber of Commerce and Industry (BCCI) katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang tatlong araw na Bulacan Builders’ Exposition sa darating na Lunes Oktubre15, 2012, sa Hiyas Pavilion sa lungsod na ito.

Makikita sa nasabing expo ang may 80 exhibitors kabilang na ang property developers, contractors, architects, interior decorators, furniture at furnishings, construction supplies, home financing, landscaping at iba pang mga gamit sa paggawa at pagbuo ng bahay.

Ayon kay BCCI President Violeta Luna, “Buildex 2012 not only hopes to support the property and construction industry sectors in the province of Bulacan, ultimately, it wants to promote Bulacan as the ideal place to live in.”

Sinabi rin ni Luna na magkakaroon ng libreng konsultasyon sa design, financing, at pagdodokumento ng mga ari-arian, gayundin ang libreng dalawang araw na seminar mula ika-16 hanggang ika-17 ng Oktubre.

“To those who’ll come and visit they will be able to witness the original art pieces of Bulacan artists, who will conduct free sketching on the exhibit site. Raffle prizes also await patrons and visitors during the 3-day fair, they can also learn from the masters in property development trends and product standards in the speakership series,” pahayag niya.

Inaasahan ding dadalo upang sumaksi at makiisa sa pagbubukas ng programa si Sen. Loren Legarda kasama si Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado.

 “This is a free admission exposition, malaki ang maitutulong nito para magkaro’n tayo ng idea of a perfect home. Alam naman natin, there’s no place like home kaya dapat ang mga bahay natin kahit simple, kumportable at matutulungan din natin na ilabas at ipakita ‘yung mga itinatagong galing ng mga Bulakenyo,” ani Alvarado.

Para sa karagdagang impormasyon, maaring tumawag sa telepono bilang (044)791-2574 at 662-1180 at hanapin si Nani Mallari o bisitahin ang BCCI website sa www.bulacanchamber.ph.