Saturday, October 13, 2012

Antala sa implementasyon ng NorthRail, antala sa kaunlaran



MALOLOS—Ikinalungkot ng mga opisyal sa Bulacan ang pagkaantala ng Proyektong NorthRail at sinabing makakapekto ito sa inaasahang kaunlaran ng lalawigan

Kaugnay nito, inihayag ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang planong paghahain ng ng kontrobersyal na proyekto sa internation arbitration court upang matukoy ang babayarang utang sa Tsina.

Ngunit nagpahayag din ang abogado na walang dapat bayaran sa Tsina ang bansa dahil illegal ang kontrata sa proyekto.

Ayon kay Mayor Christian Natividad ng lungsod ng ito, marami ang umasa sa proyektong NorthRail.

Ito ang dahilan ng mabilis na pagdami ng mga negosyo at iba pang establisimyento sa lungsod at mga karatig bayan partikular na sa mga lugar kung saan may itatayong terminal.

“Hangga’t naaantala ang NorthRail, naaantala rin ang inaasahang kaunlaran ng Malolos,” ani Natividad sa isang panayam ng Radyo Bulacan.

Nilinaw niya na maraming negosyante sa lalawigan ang nag-aabang para sa implementasyon ng Nortrail na ang unang bahagio ay mag-uugnay sa lungsod naito at Lungsod ng Kalooka.

Ang ikalawang bahagi ng proyekto ay mag-uugnay naman sa lungsod ito at sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.

Bukod sa mga negosyante, sinabi ni Natividad na libo-libong Bulakenyo rin ang umaasa sa NorthRail.

Ito ay para sa mabilis na biyahe patungo sa Maynila o kaya sa Pampanga.

Inayunan din ito ng negosyanteng si Ambrosio Cruz, ang dating alkalde ng Guiguinto.

Sinabi ni Cruz na nakalulungkot tingnan ang mga Bulakenyong nakahanay sa kahabaan ng macArthur Highway tuwing umaga habang naghinitay ng masasakyang bus o FX taxi na maghahatid sa kanila sa kalakhang Maynila.

Bilang dating alkalde ng Guiguinto, sinabi ni Cruz na agad silang kumilos noong 2004 hanggang 2005 upang mailipat ang mga iskwater sa mga resettlement site.

Ito ay upang bigyang daan ang mabilis na konstruksyon o implementasyon ng proyekto.

Ngunit anim na taon ang nagdaan, wala pa ring nangyayari sa proyekto at ang kontrata nito sa Tsina ay kinansela.

Katulad ng naunang pahayag ni Cruz, sinabi ng Bulacan Chamber of Commerce and Industry (BCCI) na higit na kaunlaran ang inaasahang ihahatid ng NorthRail sa Bulacan.

Binigyang diin nila na magsisilbing “instant growth areas:” ang mga lugar kung saan magtatayo ng terminal o istasyon ang NorthRail sa Lalawigan.

Ayon kay Mara Bautista, consultant ng BCCI, ang pagkakaroon instant growth areas sa lalawigan ay hindi imposible.

Ipinaliwanag niya na ang mga ganitong karanasan ay nakita nila sa Japan at iba pang bansa may serbisyo ng tren.

Ito ay dahil sa maraming taon ang dumadaan sa istasyon at ang mga ito ay napapaligiran ng sari-saring negosyo tulad ng mga tindahan.

“we have to understand, parang magnet ang mga tao, kung saan marami ang dumadaan at nagtitipon, sumusunod ang mga negosyante,” ani Bautista.

No comments:

Post a Comment