NORZAGARAY, Bulacan—Hindi pera ang pangunahing layunin ng Korea
Water Resources Corporation (K-Water) sapagbili nito sa Angat River Hydro
Electric Power Plant (ARHEPP).
Sa halip ay nais makatulong ng mga Koreano sa patuloy na
pag-unlad ng bansa, ayonsa isang mataas na opisyal ng National Power
Corporation (Nacopor) na namamahala sa ARHEPP.
Ang pahayag na ito ay inilabas ng opisyal ng Napocor samantalang
nagmamadali ang k-Water sa paghahanda sa pagsisimula ng pormalnilang pamamahala
sa ARHEPP bago matapos ang taon.
“Hindi intresado ang mga Koreanosa perang tutubuin sa
operasyonng Arhepp,” sabi ni Inhinyero Rodolfo German, ang general manager ng
nasabing planta.
“Mas gusto da nila na makatulong sa pag-unladng
Pilipinas,” dagdag pa ni German.
Bukod dito, sinabi niya na nais ng mga KOreano na higit na
mapatibay ang diplomatikong pakikipag-relasyon sa bansa sa pamamagitanng
paghahatid ng tulong.
Ang pahayag ni German ay bilang tugon sa katanungan ng Mabuhay
hinggil sa posibilidad ng pagkalugi ng K-Water sa pagbili at pamamahala sa
Arhepp.
Ang nasabing planta at may kakayahang lumikha ng 246 megawatt ng
kuryente,kung ang lahat ng turbina nito ay umaandar.
Ngunit sa nagdaang halos 10 taon,hindi lahat ng tirbina ng
Arhepp ay napaandar ng sabay-sabay.
Ito ay nangangahulugan na hindi nakalilikha ng 246 megawatt ng
kuryente ang Arhepp.
Ito ay dahil sa ang mga turbina ng Arhepp ay pinatatakbo ng
tubig na pinadadaloy mula sa Angat Dam patungo sa Ipo Dam na naghahatid ng
tubig inumin sa kalakhang Maynila, at sa Bustos dam na naghahatid ng patubig sa
may 26,000 ektaryang bukiruin sa Bulacan at Pampanga.
Sa mas naunang panayam naman ng Mabuhay kay Inhinyero Romulado
Beltran,pinuno ng dams and management division ng Napocor, sinabi niya na hindi
nila maaaring pagsabay-sabayin ang pagpapaandar sa kanilang mga turbina.
Ito ay dahil sa posibilidad na umapaw ang tubig sa kahabaan ng
Angat River na magbununga ng pagbaha.
At dahil naman sa ang 97 poryentong tubig inumin ng kalakhang
Maynila ay nagmumukla sa Angat Dam, may posibilidad na kapusin ito ng tubig sa
panahin ng tag-araw kung mula Nobyembre hanggang Pebrero ay isasailalim sa full
generating capacity ang Arhepp.
Ito ay dahil na rin sa mas maraming turbina ang pinaaandar, mas
maraming tubig ang pinalalabas mula sa dam.
Hinggil naman sa napipintong pamamahala ng K-Water sa ARHEPP,
sinabi ni German na nag-aapura na rin ang mga Koreano upang masimulan ang
pamamahala.
Ito ay dahil sa isasailalim din ng K-Water sa rehabilitasyon ang
powerplant ng Arhepp.
Ayon kay German,ang apat na pangunahing turbina ng ARHEPPay
lumilikha ng tig 50 megawatts, kaya ito ay umaabot sa 200 megawatts.
Ngunit sa kasalukuyan, iisa sa mga nasabing turbine ang
gumagana.
Dalawa sa mga ito ay isinasailalim sa pagkukumpuni, at isa ay
hindi pinaaandar dahila ang transformer na pinadadaluyan nito ng kuryente ay
hindi gumagana.
Bukod sa prehabilitasyon ng mga turbina, sinabi ni German na
magbubuhos din ng pondo ang K-water para sa pagdadagdag ng mga makabagong
instrumento.
”Halos 50years na yung mga equimpment at instruments naming,
kailangan na talagang palitan,” sabi ni German.
Sa kabuuan,umabot sa $440.80-Milyon ang inilaan para sa
pagbi-bid sa ARHEPP.
Hindi pa kasama sa nasabhing halaga ang gagastusin sa
rehabilitasyon ng power plat at pagdadagdag ng instrumento. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment