Saturday, February 16, 2013

Konstruksyon ng NLEX Harbor Link magsisimula sa Marso




LUNGSOD NG VALENZUELA—Magsisimula na sa Marso ang konstruksyon ng P10-Bilyon proyektong Harbor Link kung saan isusudlong ang North at South Luzon Expressway (NLEX-SLEX) Link Project.

Ito ay matapos pangunanan ni Public Works Secretary Rogelio Singson ang ground breaking ceremonies para sa NLEX Harbor link sa Smart Connect Interchange sa lungsod na ito noong Huwebes, Pebrero 7.

Inilarawan ng mga opisyal ang nasabing proyekto bilang “one of the most important infrastructure project of the year” at inaasahang magpapaluwag sa daloy ng trapiko patungo sa pier at samga lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (Camanava).

Ang NLEX Harbor Link na inaasahang matatapos sa loob ng 12 hanggang 15 buwan, ay susudlungan naman ng NLEX-SLEX Connector Link Project na inaasahang matatapos sa 2016.
Rodrigo Franco, MNTC President & CEO

Ang walong kilometrong NLEX Harbor link ay ikalawang bahagi ng expansion project na ipinatutupad ng Manila North Tollways Ciorporation, isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) ni Manuel V. Pangilinan na siyang namumuno sa  Metro Pacific Group.

Ayon kay Ramoncito Fernandez, pangulo at chief executive officer (CEO) ng MPTC, ang proyekto ay isang manipestasyon ng pagsuporta ng kanilang kumpanya sa public-private-partnership (PPP) program na pinasimulan ng administrasyong Aquino.

 “Harbor Link is a very good alternative to the C-3 Road and A.Bonifacio Avenue,” ani Fernandez patungkol sa mga lansangang dinadaanan ng mga naglalakihang truck patungo sa pier sa Port Area.

Ipinaliwanag naman ni Rodrigo Franco, pangulo at CEO ng MNTC na ang NLEX Harbor Link na magsisimula sa Smart Connect Interchange sa lungsod na ito ay may dalawang bahagi.

Ang unang bahagi  nito ay ang 2.4 kilometrong kalsada mula sa NLEX Smart Connect Interchange na kasudlong ng Mindanao Avenue Link.

 Ang dulo nito ay sa MacArthur Highway sa may Barangay Karuhatan.

Ito ay inaasahang matatapos sa loob ng 12 hanggang 15 buwan sa halagang aabutin ng P1.7-B.

Mula naman sa dulo ng unang bahagi ng Harbor Link sa Valenzuela ay isusudlong ang 5.6 kilometrong ikalawang bahagi nito na na tinawag na Segment 10.

Ang Segment 10 ay tatawid sa ibabaw ng MacArthur Highway, at dadaan sa ibabaw ng riles ng Philippine National Railways (PNR) hanggang sa makarating saC-3 road na patungo sa North Harbor.

Ang Segment 10 o ikalawang bahagi ng Harbor Link ay inaasahang matatapos sa loonb ng 24 na buwan sa halagang P6.33-B.

Mula naman sa C-3 Road ay magsisimula ang NLEX-SLEX Conector highway sa ibabaw ng  riles ng PNR hanggang makarating sa SLEX.  Dino Balabo

No comments:

Post a Comment