Saturday, March 9, 2013

Kailugan sa Gitnang Luzon dapat hukayin ngayong tag-araw


Ang crane on barge na ito ay ginagamit ng mga namamalaisdaan sa paghukay sa ilog at pagtatambak sa pilapil.



BUSTOS, Bulacan—Habang nalalapit ang tag-araw, ipinaalalani Bulacan Gob. Wilhelmino Alvarado sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na simulan ang paghuhukay sa kailugan sa Gitnang Luzon.

Kaugnay nito, muli niyang iginiit ang mabilisang pagbuhay sa Pampanga River Control System (PRCS), ang dibisyon DPWH na dating namamahala sa pagpapalalimat pagmamantine sa kailugan ng rehiyon.

“Ngayon ang tamang panahon ng pagpapalalim sa mga ilog dahil tag-araw na,” sabi ni Alvarado sa isang panayam bago simulan ang inagurasyon ng Plaridel-Bustos bypass road project sa bayang ito noong Marso 1.

Sa nabanggit na panayam, nagpahayag ang gobernador ng pangamba na ang patuloy na pag-unlad ng mga lalawigan sa rehiyon ay maaaring mabalam at masayang kung hindi kikilos ang DPWH.

Ito ay dahil sa nagdaang apat na taon at tatlong beses na lumubog sa baha ang mga lalawigan sa rehiyon partikular na ang Bulacan.

Sa mga nasabing pagbaha na naganap noong 2009, 2011 at 2012, bilyon-bilyong piso ang naitalang pinsala sa mga ari-arian, imprastraktura, pananim, negosyo bukod pa samga buhay na nasawi.

“Dapat bigyang priority ang dredging ng ilog dahil kapag tag-ulan ay nagsisiapaw ay napipinasala ang marami, pagkatapos back to zero na naman tayo,” sabi ni Alvarado.

Iginiit din niya ang muling pagbuhay sa PRCS na siyang dating namamahala sa paghuhukay ng mga kailugan at saopa sa rehiyon.

Ayon kay Inhinyero Jose Gabriel, dating kawani ng PRCS, ang kanilang tanggapan ay dating nakabase sa bayan ng Apalit sa Pampanga.

Ngunit ito ay isinara at inilipat sa pangrehiyong tanggapan ng DPWH sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga.

Maging mga tauhan ng dating PRCS ay inilapat sa ibat-ibang sangay ng DPWH at ayon kay Gabriel ay isana lamang itong maliit na dibisyon na ang trabaho ay halos pag-iingat na lamang ng mga dokumento.

Ayon naman kay Alvarado,sa panahon ng pamamahala ng PRCS samga kailugan, ito ang namamahala samga kagamitan katulad ng mga drag na ang ilang na dating nakahimpil sa kahabaan ng Labangan Channel sa Hagonoy.

Ngunit ang mga nasabing draga ay inilipat at ginamit sa paghuhukay ng kailugan sa Pampanga matapos pumutok ang bulkang Pinatubo noong 1991.

Ang mga nasabing draga ay nasira at hindi na naibalik sa Bulacan kaya’t lumalabas na mahigit 20 taon nang hindi nahuhukay ang mga ilog sa Bulacan,

“Mahigit ng 20 years na hindi name-maintain ang paghuhukay sa kailugan natin kaya bumabaw at kapag tag-ulan ay madaling umapay, dahil yung draga na gunagamit sa maintenance ay nasira sa Pampanga aty hindi na naibalik,” ani Alvarado.

Sa panayam, tinanong din si Alvarado kung alin ang mga ilog sa lalawigan ng Bulacan na dapat unahin.

Tinugon niya ito na ng “lahat”, dahil daw sa kawalan ang regular na paghuhukay.

Gayunpaman, tinukoy ni Alvarado na ang mga pangunahing Ilog ng Angat, Guiguinto, Balagtas, Bocaue, Marilao-Meycauayan na pawang dumadaloyu  patungo sa Manila Bay ang dapat unahin.

Iginiit niya na dahil mababaw na kailugan, dumadalas ang malawakang pagbaha sa Bulacan  na pumipinsala sa mga ari-arian, imprastraktura at pananim.  Dino Balabo

No comments:

Post a Comment